4,000 na Pinoy pinasaya ng Kapamilya Stars sa Amsterdam

Bea

MANILA, Philippines - Dinumog ng humigit-kumulang 4,000 fans ang Kapamilya stars na sina Bea Alonzo, Paulo Avelino, Enchong Dee, Maja Salvador, at ang komedyanteng si Pooh sa One Kapamilya Go na ginanap kamakailan sa Amsterdam. Naki-bonding at kinantahan nina Bea, Paulo, and Pooh ang nagtipong fans na mula sa Benelux economic region ng Europa na binubuo ng Belgium, Netherlands, at Luxembourg.

Samantala, pinainit naman nina Enchong at Maja ang dance floor ng Amsterdam Arena. Bukod pa riyan, hinandugan din ng Kapamilya network sa unang pagkakataon ang Kapamilya fans abroad ng isang special screening ng pilot week ng top-rating teleserye na Ang Probinsyano.

Ang One Kapamilya Go! ay programa ng ABS-CBN Regional na naglalayong ilapit ang mga ABS-CBN stars sa kanilang mga Pinoy fans na nakadestino sa abroad.

Show comments