Megan naghilamos sa putikan
(Pilipino Star Ngayon) - October 7, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Dahil sa gulo ni Ma­rimar (Megan Young) kay Angelika (Jaclyn Jose) kasama ang lolo at lola niya ay ipapahuli si Cruz (Nova Villa) sa mga pulis. Maiisip ni Marimar na humingi ng tawad kay Angelika upang maiatras na ang demanda laban sa lola niya kaya pupunta siya sa resort.

Paggising ni Sergio (Tom Rodriguez) ay bote agad ng alak ang hina­hanap niya. Dadalhin ni Perfecta (Candy Pangilinan) si Marimar kung nasaan si Angelika at Antonia (Lauren Young).

Humingi ng tawad si Marimar kay Angelika pero binigyan siya ng kundisyon na kunin sa putikan ang kwintas niya gamit ang bibig kaya walang magawa si Marimar kundi gawin iyon alang-alang sa kalayaan ni Cruz, luluhod siya at kukunin ang kwintas ni Angelika sa putikan gamit ang bibig.

Pero sasabihin ni Angelika na hindi pa rin makakalaya ang lola niya at gamitin na lamang ang necklace upang makalaya ito.

 

ACIRC ANG ANGELIKA CANDY PANGILINAN CRUZ JACLYN JOSE LAUREN YOUNG MARIMAR MEGAN YOUNG NOVA VILLA TOM RODRIGUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with