Bayaran na lang ang kulang GMA binibili ng politician-businessman?!
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - September 27, 2015 - 10:00am

Hindi man nagtagumpay ang bilihan noon ng GMA at ng mga business tycoons na sina Manny V. Pa­ngilinan at Ramon Ang, matunog ang balita na mukhang shoo-in na ang deal sa pagitan ng GMA bigwigs at ng isang kilalang politician-businessman.

Isang mapagkakatiwalaang source ang nagpa­abot sa amin ng balita na pirmahan at bayaran na lamang ang naghihintay sa magkabilang-panig na naka­takdang mangyari any day soon.

Since malaking business transaction ito, hin­di ito magiging lingid sa ka­alaman ng publiko. Soo­ner than later ay tiyak na la­labas at sasabog din ang balitang ito. Hindi naman kami magtataka sa bilihan dahil sobrang yaman at napa­­kalaki ng network ng businessman-politician na ito at na-outbid niya ang kanyang dalawang predecessors na sina MVP at G. Ramon Ang.

JM wala nang pag-asa ang career pag ‘di pa nagbago

Ano na naman kaya ang problema ngayon ng mahusay na actor na si JM de Guzman? Totoo kaya ang aming naririnig na balik na naman daw ito sa dating gawi at marami siyang mga kasamahan ang ayaw na siyang makatrabaho dahil sa ipinapakita umano nitong unprofessionalism?

Bagong simula pa lamang ang kanyang tele­ser­ye na All of Me sa ABS-CBN pero namumuro raw ito na matanggal sa nasabing serye. Pinalitan na rin siya sa kanyang MMFF (Metro Manila Film Festival) movie na pagtatambalan sana nila ni Jennylyn Mercado under Quantum Films. Sa halip na magkaproblema ang pelikula ay pina­litan na lamang ng producer na si Atty. Joji Alonzo si JM kay Jericho Rosales who is a bigger and better actor than JM.

Marami rin ang nagsasabi na may pinag­da­raanan din ngayon ang relasyon ng nagkabali­kang magkasintahang JM at Jessy Mendiola. Although personal nang pinabulaanan ni Jes­sy na hiwalay na sila ni JM, marami ang naniniwala na may problema ang kanilang relasyon base na rin sa mga messages nito na naka-post sa kanyang Twitter account.

Kapag hindi tuluyang magbago si JM, mahihirapan na siyang makabalik muli at mababalewala ang magandang chan­ce na muling ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang home studio.

Nega rin ang dating ng kanyang paghahamon ng away sa Kapamilya actor na si Enrique Gil dahil sa ginawa nitong “pambabastos” umano sa kasintahan nyang si Jessy Mendiola habang sila’y nasa loob ng eroplano on their way to London for their ASAP show.

Samantala, marami ang naniniwala (including this writer) na mauuwi sa totohanan ang “love affair” ng AlDub sa kalye­serye.

Kung sunud-sunod ang mga product endorsements nina Alden at Maine, may endorsement na rin si Lola Nidora na ginagampanan ni Wally Bayola na sobrang husay sa hit kal­yeserye.

ACIRC ALL OF ME ANG ENRIQUE GIL JENNYLYN MERCADO JERICHO ROSALES JESSY MENDIOLA JOJI ALONZO LOLA NIDORA RAMON ANG SHY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with