Natakot sa inasta ng aktor, JM tinanggal na sa MMFF movie nila ni Jennylyn
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - September 22, 2015 - 10:00am

PIK: Na-impress mga movie press na naka-lunch ng mag-amang Vice President Jejomar Binay at Sen. Nancy Binay dahil sa napakatotoong sagot nila sa mga tanong.

Hindi gaanong napag-usapan ang mga isyung pulitika kundi ilang isyung personal at ang alam nila sa showbiz.

Matagal-tagal ding hindi nakapanood ng local films si VP Binay, pero napanood daw niya nung nakaraang Linggo ang pelikulang Heneral Luna ni John Arcilla at sobrang nagandahan siya. Iyon daw ang isang Tagalog film na hindi niya nakatulugan.

Tama naman daw na ito ang napiling entry ng ating bansa sa Best Foreign Language category ng Oscars sa susunod na taon.

PAK: Ngayon lang naramdaman ni Pauleen Luna ang hirap ng preparasyon sa isang wedding.

Pagkatapos niyang makipag-meeting sa wedding coordinator, sinimulan na niyang ayusin ang ilan pang requirements at documents na kailangang kumpletuhin. “Nakakaloka pala,” bulalas ni Pauleen.

Today, Wednesday ay makikipag-meeting na ito sa isang designer na posibleng gagawa ng wedding gown niya.

Hindi pa niya masabi sa ngayon dahil meron pang dalawang designer na kinu-consider din niyang gagawa.

Pagkatapos daw niyang makipag-meet sa dalawa pang designer, saka raw niya dedesisyunan kung sino ang gagawa ng wedding gown niya.

Bukod sa wedding preparation ay pinaghahandaan na rin nina Pauleen at Vic Sotto ang bahay na lilipatan nila pagkatapos ng kasal.

BOOM: Nakausap namin si Atty. Joji Alonzo kahapon at kinumpirma nga niyang papalitan na si JM de Guzman bilang leading man ni Jennylyn Mercado sa Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang Walang Forever.

Ayaw lang sagutin pa ni Atty. Joji ang naririnig naming ginawa ni JM sa meeting nila at shooting, kaya natakot daw si Jennylyn.

Ang sabi lang niya, nagkakaproblema lang daw sila sa schedule ni JM kaya napagdesisyunan nilang palitan na ito.

Hindi pa muna binanggit ni Atty. Joji kung sino’ng aktor ang ipapalit dahil magpapadala pa raw muna siya ng sulat sa MMFF para ipaalam ang pagpalit ng lead actor.

Kapag okay na raw ay saka na niya sasabihin kung sino’ng Kapamil­ya actor na makaka-partner ni Jennylyn sa entry nilang Walang Forever.

ANG BEST FOREIGN LANGUAGE HENERAL LUNA JENNYLYN JENNYLYN MERCADO JOHN ARCILLA JOJI JOJI ALONZO METRO MANILA FILM FESTIVAL NIYA WALANG FOREVER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with