Barbie Xu ng Meteor Garden na-curious, napagkamalang pet ang AlDub
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - September 21, 2015 - 10:00am

Malapit nang marinig ang tunay na boses ni Maine Mendoza aka Yaya Dub sa kalyeserye ng Eat Bulaga at ayon ito sa aking source na itatago ko sa pangalan na Papa Joey de Leon.

Naudlot ang televised date nina Alden Richards at Yaya Dub noong Sabado dahil nagmamadali na tumalilis ang huli nang tumunog ang alarm clock na hudyat ng pagpapainom niya ng gamot kay Lola Nidora.

Sumakay sa kotse si Yaya Dub at ang malakas na pagbangga ng isang sasakyan ang cliffhanger noong Sabado sa kalyeserye na umani ng 12.1 million tweets.

Ang sey ng PSN (Pilipino Star NGAYON) source, malapit nang marinig ang boses ni Yaya Dub dahil ito ang resulta ng aksidente na nangyari.

Hindi nagkamali ang aking source dahil kahapon, narinig na ang sample ng boses ni Yaya Dub na ikina-excite ng milyong-milyong viewers ng Eat Bulaga.

Pati ang Meteor Garden actress na si Barbie Xu, naintriga sa AlDub. May-I-ask niya kung bakit trending araw-araw ang AlDub?

I’m sure, naloka si Barbie sa rami ng mga sumagot sa kanyang tanong.

Ipinaliwanag sa kanya ng AlDub fans na ito ang number one loveteam ngayon sa Pilipinas. Nawindang at natawa ang AlDub fans nang sabihin ni Barbie na inakala nito na pet ang AlDub.

Hindi pa uso ang social media nang sumikat noon ang Meteor Garden at ang mga artista nito. Kung uso noon ang social media, tiyak na na-experience rin ni Barbie ang milyun-milyong tweets dahil sa rami ng Pinoy fans ng Meteor Garden.

Bryan White ng God Gave Me You sumigla uli ang career sa ‘Pinas

Nakaka-inspire naman talaga ang 12.1 million tweets. Dati-rati, 1 million tweets lang, tuwang-tuwa na ang mga host ng Eat Bulaga kaya history talaga ang 12.1 million tweets.

Wish ko lang, maka-13 million tweets ang second episode ng CelebriTV sa darating na Sabado. To be fair, nag-trending ang pilot telecast ng entertainment talk show namin nina Ricky Lo, Papa Joey, at AiAi Delas Alas.

Teka, napansin ko na hindi lamang si Barbie ang na-curious dahil nakiki-AlDub na rin si Bryan White, ang American singer na nagpasikat sa God Gave Me You, ang official theme song ng AlDub.

Old song na ang God Gave Me You na sumikat uli sa Pilipinas dahil sa kalyeserye ng Eat Bulaga kaya may plano si Bryan na magkaroon ng concert sa ating bansa. Sino ang mag-aakala na pati ang mga foreign artist, sumisigla uli ang career sa Pilipinas dahil sa AlDub phenomenon?

Mayor Erap, AlDub ang kaharap sa pananghalian!

Ang cute ng picture ni Manila City Mayor Joseph Estrada habang pinapanood kahapon ang kalyeserye ng Eat Bulaga sa opisina.

Courtesy of Manila City Vice-Mayor Isko Moreno ang picture pero malinaw ang caption na naka-lunch break si Papa Erap while watching ‘no! Mabuti nang malinaw bago mag-react ang mga tao na happiness na ang maghanap ng kasiraan ng mga public servant.

Buhay ni Sen. Grace parang teleserye, nagpapa-DNA test na

Parang kalyeserye na sinusubaybayan ang mga kaganapan sa buhay ni Senator Grace Poe dahil sa citizenship issue.

Nanindigan noon si Susan Roces na Pilipino ang kanyang anak na never niya na tinawag na ampon o pulot.

Teary-eyed si Manang Inday nang ipagtanggol niya ang anak laban sa mga hater at basher.

Para mapatunayan na natural-born Filipino siya, sasailalim si Mama Grace sa DNA test at ayon ito sa kanyang kampo.

Inaabangan ng mga supporter ni Mama Grace ang resulta ng DNA test dahil gusto rin nila na makilala ang tunay na mga magulang ng senadora na iniwan noong 1968 sa simbahan ng Jaro, Iloilo.

ALDUB ANG BARBIE BRYAN WHITE DAHIL EAT BULAGA GOD GAVE ME YOU MAMA GRACE METEOR GARDEN MGA YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with