^

Pastillas girl naninibago sa nakukuhang attention

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - September 17, 2015 - 10:00am

Sikat na sikat na ngayon si Angelica Jane Yap o mas kilala sa tawag na Pastillas Girl o Ms. Pastillas sa It’s Showtime. Kamakailan ay ibinahagi ng dalaga ang kanyang love story sa segment na AdVice Ganda ng nasabing programa kaya naman mula noon ay naaliw na ang mga manonood kay Pastillas Girl.

Naging viral ang video ni Angelica Jane sa social media dahil sa pagbabahagi niya ng pastillas recipe na may kinalaman sa kanyang buhay pag-ibig na punong-puno ng hugot lines. “I had five boyfriends. So every relationship really has a heartbreak. Nga­yon ‘yung latest one, it was really hard kasi she was my friend (ang bagong kasintahan ng ex-boyfriend). Naniniwala kasi ako sa ‘bro code’ and even if I were in the position ng friend ko, I won’t do that,” nakangiting pahayag ni Pastillas Girl.

Masaya raw ngayon ang dalaga na nakikilala na siya ng mga tao kahit saan siya magpunta. “Sa totoo lang, paglabas ko ng Showtime (unang beses), nakapag-jeep pa ako, nakakapag-bus pa ako. Ngayon nakikilala na nila ako, nagpapa-picture na kahit saan ka pumunta. Napa-flatter ako kasi hindi ako sanay sa ganitong attention, simple lang ang buhay ko noon eh. Punta ako ng work, uwi ako, ‘yon ang buhay ko. ‘Pag may boyfriend ako, date minsan, ‘yun lang,” kuwento ni Angelica Jane.

Marami ngayon ang nagpapakita ng admirasyon sa dalaga at ilan dito ay sina Topher ng Bulacan, Jess ng Bacolod, at Evan ng Taguig. “Nakakakilig kasi nami-miss mo ‘yung feeling na may nanliligaw na naman sa iyo, may nagkakagusto sa ‘yo,” pagtatapos ng dalaga.

Richard ‘di sumipot sa Star Magic Ball

Naging usap-usapan ang hindi pagdalo ni Ri­chard Yap sa ginanap na Star Magic Ball kamakailan. Matatandaang ilang taon na ring nakadalo ang aktor sa annual event na ito ng Star Magic. “I was supposed to got but I had a shoot that day. Hindi na talaga ako nag-prepare because I know I wouldn’t be able to make it,” paliwanag ni Richard.

Samantala, ngayon ay abala ang aktor sa pang­hapong serye na Nasaan Ka Nang Kailangan Kita pero inaabangan na ng mga tagahanga kung matutuloy pa ang proyektong pagsasamahan dapat nila ni Judy Ann Santos. “So far as of now, wala pa. Nasaan Ka Nang Kailangan Kita pa lang. After that, I don’t know yet. We are going to be doing it next year when she gives birth. Same story, I don’t know kung may changes pero as of now, we’ll still do it,” pagbabahagi ng aktor.

 

ACIRC AKO ANG ANGELICA JANE ANGELICA JANE YAP JUDY ANN SANTOS NASAAN KA NANG KAILANGAN KITA PASTILLAS GIRL QUOT STAR MAGIC BALL STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with