Hindi pa ramdam na mahal ang aktor Liza hindi pa kayang makipagrelasyon kay Enrique

Bukod sa mga nagawang teleserye at mga pelikula ay kabi-kabila na rin ang naging endorsements ni Liza Soberano kaya nakaipon at nakabili na ng bagong bahay ang aktres sa Quezon City. Kasama ng aktres ang ama at kapatid na lumipat sa kanilang bagong bahay kamakailan. “Nakalipat na po kami pero hindi pa tapos ang interior design,” bungad ni Liza.

Nangangarap daw ang dalaga na makabili ng isa pang bahay kapag nakaipong muli. “Siguro matagal pa po ‘yun kasi ‘yun po ‘yung talagang akin na bahay. Inuna ko muna ‘yung para sa family ko. At least alam kong safe na ako, na may house na akong stable. Kung may mangyari sa akin, at least meron silang titirhan. I don’t have to worry about that,” paliwanag ni Liza.

Samantala, abala ngayon ang aktres sa pelikulang pagbibidahan nila nina Enrique Gil at Gerald Anderson na Everyday I Love You.

Isang bagong teleserye rin ang bagong pinaghahandaan ng tambalang Liz-Quen. Patuloy raw ang ginagawang panliligaw ni Enrique sa dalaga. “Nagpaparamdam po siya pero ‘yung priorities ko po talaga is ‘yung career ko. I’m focusing in my career kasi marami pa po akong kailangang bayaran. ‘Yung bahay ko po, ‘di pa tapos bayaran,” pagtatapat ng dalaga.

Sa January 4 ay debut na ni Liza kaya inaabangan ng mga tagahanga kung sasagutin na ng aktres si Enrique pagkatapos nito. “I don’t think age is the basis. When I’m ready, when I think that I can handle being in a relationship. Siguro I will be ready when I start feeling the love,” giit pa niya.

Melai manggugulo lang sa season 2 ng YFSF

Sa September 12 ay mapapanood na ang bagong season ng Your Face Sounds Familiar. Maliban sa walong bagong contestants ay kaabang-abang din kung ano ang magiging papel ng season 1 grand champion na si Melai Cantiveros sa nasabing programa. “Panggulo po ako rito, pang-asar sa mga contestants. Bale makikita rin nila ako dito na nag-iiba-iba ng hitsura sa bawat episode pero ‘di mga icons ang gagayahin ko. Mga sikat na celebrities naman,” pagbabahagi ni Melai.

Naninibago raw ang aktres ngayong hindi na siya ang contestant ng YFSF. “Kakaiba nga ang pakiramdam ng mapanood ko sila. Kasi this time nanonood na lang ako. Hinahanap ko sina ate Karla (Estrada), Jolina (Magdangal), ‘yung grupo namin noon. Ngayon iba na, pinapanood ko na lang sila,” nakangiting pahayag ni Melai.

Nag-iwan na lamang ng payo ang aktres para sa mga contestants ng kanilang programa. “Mag-enjoy lang sila. Ako noon, pressured nang magsimula ang season namin. Pero nag-enjoy lang ako na may kahalong pag-career sa performance. Kaya ayun, ako ang nag-champion,” pagtatapos ni Melai.

Show comments