Pinakabatang rock band sa ‘Pinas, umaarangkada na!

MANILA, Philippines – Panalong-panalo sila pagdating sa rakrakan at talaga namang mapapa-head bang ka sa musikang handog nila. Sila ang Square One, ang pinakabatang rock band na namamayagpag sa Pilipinas.

Lumaking exposed sa musika sina Kyle Jimenez (vocals), Sean Samonte (drums), JP Par (guitars), and Von Domingo (bass) kaya hindi mahirap sa kanila na humawak ng iba’t-ibang instrumento sa kanilang paglaki.

Kinalakihan din nila ang pakikinig sa mga bandang rakista gaya ng Metallica, Guns and Roses, Linkin Park, Slipknot, Dream Theater, Wolfgang, Kamikazee, Parokya ni Edgar, at Siakol kaya hindi maikakaila na mahilig at sanay talaga sila sa rock music.

Tinawag naman daw na Square One ang kanilang grupo dahil sila ay may apat na miyembro na sumisimbolo ng hugis ng isang square.

Kahit na matagumpay na silang maituturing sa ngayon, sila ay mga normal na bata pa rin na may pangarap kagaya ng ordinaryong mga bata. Gusto rin daw nilang makatapos sa pag-aaral habang tinutuloy ang kanilang pagbabanda. Todo rin ang suporta na natatanggap ng Square One mula sa kanilang pamilya na ginagabayan sila para maging balanse ang kanilang pag-aaral at interes sa musika.

“Awa po ng Diyos, lagi po akong nasa Honor Roll at nakatatanggap po ng award for First Honor,” proud na ibinahagi ni Sean.

Sa kanilang murang edad, nagsisimula na nilang maintindihan ang halaga ng prayoridad at pagsusumikap para maabot ang kanilang mga pangarap.

“Sana po marami po kaming ma-inspire na mga kabataang maging musician na tulad namin,” sabi naman ni Von.

Layunin ng bandang Square One na iparating sa kabataan na kung kaya nilang mamayagpag sa kanilang murang edad, ay kaya rin ng ibang bata makamit ang kanilang pangarap.

Available na ang self-titled major label album ng Square One sa Spinnr, iTunes, Spotify, Apple Music, Deezer, at Guvera. Mayro’n na rin silang CDs na mabibili sa Astroplus, Astrovision at Odyssey outlets.

For bookings and inquiries, please contact Sammy Samaniego at (632) 9162504 local 107, (0920) 9682991, (0917) 8565174 or email sammy.samaniego@umusic.com. For more information about Square One, log on to www.facebook.com/mcamusic.

Show comments