Ate Vi nilinaw ang mga pintas sa akting ni Xian
Jun Nardo (Pilipino Star Ngayon) - August 23, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Walang ibang ibig sabihin si Governor Vilma Santos-Recto sa naging pahayag niya tungkol kay Xian Lim na lumalabas na anak niya sa Star Cine­ma movie nila ni Angel Locsin. Baka kasi ma-misinterpret ‘yon ng fans ng aktor eh wala namang intensyon ang Star For All Seasons na kuwestiyunin ang akting ng aktor.

To set things straight, text ni Gov. Vi sa amin, “Magaling ‘yung bata (Xian) at alaga siya ni direk (Joyce Bernal)…Hindi siya pinababayaan.

“Huwag naman nating ganyanin ‘yung tao. Mabait na bata si Xian at ayokong naiinsulto siya. Xian is an actor and a professional one. Magaling naman siya sa mga shoots namin. True ‘yan!  Plus alaga talaga ni direk…Mahiyan lang pero sa shooting namin, game na game!”

Sa totoo lang, si Ate Vi ang isang artista na never nanghusga sa pag-arte sa kapwa niya artista lalo na sa mga baguhan, huh! Kung kailangan niyang tulungan, ginagawa niya ito pero ‘yung insultuhin, hinding-hindi magagawa ‘yun ng Star For All Seasons, huh!

After all, there’s always a room for improvement, huh!

Pag-asa, nasakop na rin ng AlDub!

Dalawang milyong tweets ang target ng AlDub Nation fans last Saturday para sa hashtag na #ALDUBAgainstAllOdds upang hindi matuloy ang kasal ni Yaya Dub (Maine Mendoza) kay Frankie Arinolli (Jose Manalo) sa KalyeSerye ng Eat Bulaga.

In fairness, na-achieve ng mga “halimaw” na fans ng AlDub ang target na lalo na’t tagumpay na naman silang maging number one sa trending sa Twitter nationwide at worldwide, huh!

As we all know, nagbubunyi ang AlDub fans dahil hindi natuloy ang kasal ni Yaya Dub kay Frankie. Kaya kahapon sa Twitter, ang hashtag na #EBThankYouForAlDub naman ang lumutang.

Kakatuwa nga ang mga tweets last Saturday na may kasama pang pic ang ilan. ‘Yung mga tao sa PAG-ASA, matapos ang briefing sa bagyong Ineng, aba, nag-relax naman sa panonood ng episode nu’ng Sabado.

Pero sa totoo lang, in full force ang GMA 7 news reporters gaya ni Tina Panganiban-Perez sa panonood at pagtu-tweet sa kani-kanilang account. Kilig na kilig din sila sa AlDub! Buti na lang, ‘yung mga hindi napanood ang kaganapan nu’ng tanghali, nabibigyan sila ng updates sa 24 Oras tuwing weekend, huh!

ACIRC ANG ANGEL LOCSIN ATE VI EAT BULAGA FRANKIE ARINOLLI GOVERNOR VILMA SANTOS-RECTO JOSE MANALO STAR FOR ALL SEASONS XIAN YAYA DUB
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with