^

PSN Showbiz

Lorna payag na sa lesbian!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

Dating mayor na si Boy Asistio tatlong araw ‘di nagising, Nadia umaasa na lang sa dasal

PIK: Sobrang touched si Glaiza de Castro nang magkita sila ni Lorna Tolentino sa grand opening ng bagong restaurant sa Sct. Gandia malapit sa Tomas Morato, Quezon City.

Binati ni Lorna si Glaiza dahil pinapanood daw niya ang The Rich Man’s Daughter, at pinuri niya ang matapang na pag-tackle ng naturang serye sa mga lesbian.

“In fairness maganda ang istorya at magaling sila,” pakli ng Grand Slam Queen.

“Kinikilig ako. Nakaka-inspire na makagawa ng ganung kontrobersyal na project,” natutuwang sagot naman ni Glaiza.

Alam daw niyang malaking risk itong ginawa ng GMA 7, pero naitawid daw na maganda at pawang positive ang feedback.

Sabi nga ni Lorna, kung iaalok daw sa kanya ang ganung maselang kuwento ng isang drama series o pelikula, talagang tatanggapin daw niya kung maganda ang istorya.

Okay daw sa kanya ang gumanap na lesbian, pero ayaw niya ng mga daring scenes dahil sa mas batang artista na raw iyon nababagay.

PAK: Naniniwala si Nadia Montenegro na dasal ang nagpagaling sa partner niyang dating Caloocan Mayor Boy Asistio.

Ilang buwan din daw na labas-masok ng hospital si Boy dahil sa malala niyang sakit na Chronic Obstructive Pulmonary Disease na sakit din na ikinamatay ni Mang Dolphy.

Umabot na raw sa puntong tatlong araw na itong hindi gumigising, kaya wala raw siyang ginawa kundi ang magdasal nang magdasal.

Hindi lang daw siya ang nagda rasal kundi lahat daw ng mga anak ni Boy, pati ang mga babaeng dating nakarelasyon nito.

Kuwento ni Nadia; “Dun namin nakita na talagang prayers work. One day nakita ko lahat na anak ng asawa ko na naka-lay hands lang sa kanya na nagdadasal at umiiyak na may kanya-kanya silang prayers. The next day, Boy woke up.

“Lahat ng anak ni Boy andun. I had to get the presidential suite dahil hindi sila kasya. Lahat kami na minahal niya, lahat ng nanay ng anak niya, lahat ng buong pamilya Asistio, nagsama-sama para sa kanya.

“Hindi ko ma-explain, pero hindi ko alam kung paano pasalamatan ang mga doktor at nurses, pero I know that prayer works.”

Ngayong magaling na raw si Boy at bumalik na ang dating sigla nito, patuloy daw silang nagdarasal at nagagawa pa raw nilang mag-reunion ng buong mag-anak pati ang mga dating nakarelasyon nito. One big happy family na raw silang lahat.

BOOM: Sa nakaraang guesting nina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa Startalk kung saan “oo” at “hindi” lang ang isasagot nila sa mga tanong, naisingit ni Butch Francisco na itanong kung sila na nga bang dalawa.

Nakita ng isang taga-Startalk ang board ni Dennis na may sagot na “oo” ang itataas nito. Pero ipinasilip daw ni Jennylyn ang board na may nakasulat na “hindi” kaya pinalitan na rin ni Dennis ang sagot nito ng “hindi”.

ACIRC

ANG

BOY

BOY ASISTIO

BUTCH FRANCISCO

CALOOCAN MAYOR BOY ASISTIO

CHRONIC OBSTRUCTIVE PULMONARY DISEASE

DAW

GLAIZA

HINDI

STRONG

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with