Niyaya pang gumawa ng pelikula, Nora idol na idol si Dingdong
ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles (The Philippine Star) - August 6, 2015 - 10:00am

Nag-first day taping na si Nora Aunor sa Pari ‘Koy last Wednesday (August 5), una sa tatlong araw na taping niya bilang huling guest ng faith-serye. Sa Monday at Wednesday (Aug. 10 and 12) ang last taping day ni Guy. Reunion nila ito ni director Maryo J. delos Reyes na huli niyang nakatrabaho sa pelikulang Naglalayag noong 2004 pa.

Ginagampanan nito ang role ni Lydia, isang asawa at ina na iniwan ng mister, anak, at apo na naging pulu­bi. Hi­nanap niya ang anak at apo at sa kanyang paghahanap, magku­krus ang landas nila ni Kokoy (Dingdong Dantes).

Kung dream come true kay Ding­dong na makatrabaho si Guy, masaya rin ang Superstar na finally, nagkatrabaho sila ng aktor kahit sa maikling sandali lang.

“Idol ko si Dingdong at noong magkita kami sa Enpress Awards, sabi ko “idol gawa tayo ng movie” at okay sa kanya. Ang bait-bait niya at magaling umarte. Hindi ako nagdalawang-isip na tanggapin ang offer na ito. Napapanood ko sila ng asawa niyang si Marian Rivera,” sabi ni Guy.

Mas gusto pala ni Guy na freelancer siya at walang kontrata sa alinmang network. Pero sa GMA 7 niya ipinasok ang ipoprodyus ng kanyang NVC Productions na drama anthology na Ang Makulay Na Daigdig ni Nora. One month o four episodes at once a week ang time slot ng drama anthology at schedule na lang ng taping ang inaayos pati na rin siguro ang casting.

Tinatapos na lang ni Guy ang shooting ng indie film na Kabisera at saka siya aalis for Boston para magpaopera. Sa kanyang pagbabalik ay saka niya gagawin ang indie film na Tasaday. Nagbiro itong ang gagampanang role ang matagal na niyang hinihintay dahil magta-topless siya.

Baka next week na lumabas ang karakter ni Guy na si Lydia sa Pari ‘Koy.

Derrick hindi pinakawalan ng Kapuso

Pati si Derrick Monasterio ay muntik na palang mawala sa GMA 7. Nakipag-meeting ito at ang kanyang manager sa network para magpa-release sa kan­­yang kontrata na sa 2016 pa magtatapos. Naki­pag-meeting na rin sina Derrick at manager nito sa ABS-CBN, kung saan balak nitong lumipat.

 Makikipag-meeting na rin ang kampo nito kina Mother Lily at Roselle Monteverde para sa pelikulang gagawin sa Regal Entertainment. Nag-pictorial na rin si Derrick sa Cosmo last Wednesday at sa Cosmo Bash sa September ay isa siya sa mga rarampa. Fit ngayon si Derrick, maganda ang katawan na dapat lang irampa.

Alden tambak na ang trabaho

Pumirma na kahapon ng four-picture movie contract sa APT Entertainment si Alden Richards at bago pa man ang contract signing, may nakahanda nang movie project na pagtatambalan nila ni Jasmine Curtis-Smith. Kasama rin nila sa cast sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali.

Mabuti na lang at hindi nagmamadali ang APT Entertainment at si direk Mike Tuviera na simulan ang pelikula dahil pare-parehong busy sina Alden at Jas­mine. Ayaw ni direk Mike na madaliin ang shooting para lang ma-meet ang playdate.

Malapit na rin daw simulan ang taping ng soap na pagsasamahan nina Alden at Janine Gutierrez sa GMA 7. Kung ganitong may movie at soap si Alden at may Eat Bulaga at Sunday PinaSaya pa siya, hectic nga ang schedule ng aktor.

Nothing to worry ang AlDub fans nina Alden at Yaya Dub dahil tuloy pa rin ang love team nila sa Eat Bulaga kahit may iba siyang kapareha sa pelikula at soap.

AiAi at Mark Anthony may happy ending

Ang cute ng ending mamaya ng Let The Love Begin dahil may lovelife ang karakter ni AiAi delas Alas na si Jeni. Bibigyan nito ng chance si Jom na gina­gampanan ni Mark Anthony Fernandez. Sino ang mag-aakalang darating ang araw na magkakapareha sina AiAi at Mark Anthony?

ACIRC ALDEN RICHARDS ANG ANG MAKULAY NA DAIGDIG BIANCA UMALI COSMO BASH EAT BULAGA MARK ANTHONY RIN SHY STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with