^

Willie P50-M na ang lugi sa pamimigay sa Wowowin

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - August 5, 2015 - 10:00am

PIK: Bago nagtapos ang The Rich Man’s Daughter nakabuo naman ito ng magandang friendship sa mga cast.

Nakaka-touch ang mensahe ni Rhian Ramos para kay Glaiza de Castro na ipinost sa kanyang Instagram account.

Aniya; “Salamat sa ‘yo. Sa guidance at bravery na binigay mo sa akin, lalo na nung simula at windang si Jade (karakter niya sa TRMD). Sa pagbuhay ng confidence ko na magtiwala sa sari ko at sa yo din. We gave it our best shot and in the end, nagawa na din natin yung matagal na nating goal sa eksena---to keep our energy completely open to each other. My favorite scene was the one we shot in Tagaytay.

“Salamat sa show na ‘to at nadiskubre ko ang iba pang side me at nakilala on a deeper level. It was a treat to work with you, I love you as an actress, and I’m lucky to have gained a friend. May your album touch millions, may your sitcom bring laughter to many, may your short film teach people about love, may your faith shine bright. See you soon.”

PAK: Si Willie Revillame ang isa sa pinaka-excited sa darating na Linggo dahil sa back-to-back na pasabog na show nila sa tanghali.

Alas-dose ng tanghali ang Sunday PinaSaya at pagdating ng alas-dos ng hapon naman ang Wowowin.

Sabi ni Willie, marami raw siyang mga bagong mapapanood sa Wowowin dahil may mga binago sila sa mga games at pampasaya sa mga manonood.

Pero may isa pang bonggang pasabog ang Sunday PinaSaya na kasali sa pilot episode nito sa Linggo.

Isa siyang international celebrity na darating bukas ng umaga at deretso na siya sa rehearsal para sa gagawin niya sa Linggo.

BOOM: Nagpasintabi naman si Willie Revillame kay direk Johnny Manahan na makakalaban na nila ang show nito.

Itinuturing ni Willie na tatay-tatayan at malaki ang utang na loob niya sa naturang direktor.

“Napakalaki ng respeto ko sa kanya. He used to be my director, nagkausap kami naintindihan naman niya.

“Sinabi ko sa kanya direk, pasensya ka na, sa management ‘yun at nasasaktan na ako sa gastos.

“Naintindihan naman niya, napaka-understanding niya, very fair na tao,” seryosong pahayag ni Willie.

Aminado siyang malaki na ang nalulugi niya sa Wowowin, na umabot na raw ng halos 50 million pesos. Pero okay lang daw sa kanya iyun. Ang importante, marami siyang mapapasayang mga tao.

Kaya hoping pa rin siya na gawing daily ang Wowowin para mas marami siyang matulungan at mapasayang tao.

ACIRC ANG JOHNNY MANAHAN LINGGO NIYA PERO RHIAN RAMOS RICH MAN SI WILLIE REVILLAME WILLIE REVILLAME WOWOWIN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with