^

PSN Showbiz

Dingdong hindi para sa sarili ang birthday wish

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Birthday ni Dingdong Dantes kahapon (August 2) at bale naging advance birthday party niya ang thanksgiving mass na ibinigay ng production staff ng Pari ‘Koy noong Aug. 1, para sa 24 weeks na itinakbo ng faith serye. Kasamang dumating ni Ding­dong sa thanksgiving mass ang asawang si Marian Rivera, ang ina, at mga kapatid.

Wala siyang big party sa 35th birthday niya kahapon. May dinner lang sila ng kanyang pamilya at ilang kaibigan. Hindi na rin siya nag-i-expect ng gift mula kay Marian at sapat na sa kanya na lutuan siya ngayong birthday niya.

Ang birthday wish nga ni Dingdong ay hindi para sa kanya, kundi para sa asawa at magiging anak na isisilang sa November.

“My birthday wish is for the health of my baby at sa nanay na rin dahil parating na ang baby namin ilang buwan na lang. Wish ko rin na maipagpatuloy ko ang inspiration na nakuha ko habang ginagawa ang Pari ‘Koy. Ayaw kong masayang ang mga natutunan ko kabilang ang always be grateful,” sabi ni Dingdong.

Seven months tumakbo ang Pari ‘Koy na magtatapos sa Aug. 21 at ayon kay Dingdong, naisabuhay niya ang scriptures na laging sini-share ng role niyang si Father Kokoy. Ang dami niyang natutunan gaya ng pagbibigay, pasasalamat, pagpupuri, at pagmamahal.

Samantala, excited na si Ding­dong na maka-eksena si Nora Aunor dahil ang Superstar ang sunod na maggi-guest sa Pari ‘Koy.

Sa Wednesday na ang taping ni Guy at ayon kay direk Maryo J. delos Reyes, pumayag ito na gampanan ang role ng isang ina at lola na ina na inabandona ng anak. Naging pulubi ang karakter ni Nora at tutulungan siya ni Dingdong.

“Dream come true sa akin na makasama siya at hindi ko lang siya makakatrabaho, makakausap pa. Malaking karangalang makatrabaho ko si ate Guy, one of our biggest stars,” ani Dingdong.

Sa tanong kung maggi-guest si Marian bago magtapos ang Pari ‘Koy, ang sagot ni Dingdong, sana mahanapan ng babagay na role ang asawa.

Nora tuluy-tuloy na sa Kapuso?!

Nabanggit ni director Maryo J. delos Reyes na three days magti-taping si Nora Aunor ng Pari ‘Koy at kinuha nila ito thru her manager Boy Palma. Naisip nilang kunin itong guest pagkatapos mapanood sa Karelasyon. Baka si Nora na ang maging last guest ng faith-serye dahil sa August 21 na ang ending nito.

Magiging reunion nina Nora at direk Maryo ang guesting ng una sa Pari ‘Koy dahil nagkatrabaho na sila sa TV at pelikula. Hindi lang nasagot ni direk Maryo kung ang guesting ng Superstar sa idinidirek niyang teleserye ang magiging simula ng susunod pang paglabas ng aktres sa GMA 7.

Tambalang Alden at Jasmine ayaw madaliin

Nakita namin si director Mike Tuviera sa presscon ng Sunday PinaSaya dahil ang APT Entertainment nila ang katulong ng GMA 7 sa nabanggit na variety/comedy show na magsisimula ang airing sa August 9, 12 nn. - 2 p.m.

Nabanggit ni direk na sumabak sa acting workshop ang co-host ng Sunday PinaSaya kabilang sina Jerald Napoles at Valeen Montenegro. Ang dalawa ang laging magkasama sa eksena. “Iba ito, iba ang show na ito,” ang sagot ni direk Mike sa concept ng show.

Anyway, kinumusta namin kay direk Mike ang pelikulang pagtatambalan nina Alden Richards at Jasmine Curtis-Smith. Tuloy pa rin daw ‘yun at kasama pa rin sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Inaayos pa nila ang script at ayaw nilang madaliin. Gusto nilang perfect ang lahat bago simulan ang shooting. Wala pa ring title ito at ang ibig sabihin, papalitan ang unang title na Two Girlfriends.

Inaayos din nina direk Mike ang schedule ng cast na puro busy, si Jasmine ay magsisimula na sa My Fair Lady ng TV5. Si Alden ay may Eat Bulaga at kasama rin sa Sunday PinaSaya.

Charice pabebe na rin

Fan din pala ng AlDub love team nina Alden Richards at Yaya Dub si Charice Pempengco, kaya nanghinayang siya nang si Alden lang ang makita last Saturday noong mag-guest siya sa Eat Bulaga.

Sa isang picture ni Charice sa Instagram (IG), ginaya niya ang Pabebe wave ni Yaya Dub at ang ginamit na hashtag ay #PabebeWave #FanngAldub #MAGKITANAKASEKAYO. Ayan, gusto na rin ni Charice na magkita ang mga bida sa hit na hit na Kalye Serye ng Eat Bulaga.

Hindi lang nag-perform si Charice sa Eat Bulaga, nag-promote rin ito ng Hitman David Foster & Friends concert ni David Foster sa Smart Araneta Coliseum sa August 18. Guest si Charice kasama ang Boyz II Men, Ruben Studdard, at Natalie Cole. May special number din si Mark Mabasa na isang mahusay na singer at malay natin, mag-guest din si Gerphil Flores.

ACIRC

ALDEN RICHARDS

ANG

CHARICE

EAT BULAGA

MARYO J

NBSP

NORA

NORA AUNOR

PINAYA

RIN

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with