Jeepney TV nasa destiny na

MANILA, Philippines - Mas maraming Pinoy na ang makakapanood ng kanilang paboritong throwback Pinoy and foreign shows dahil simula Agosto 15 (Sabado), tampok na ang Jeepney TV sa Destiny Cable, isa sa mga pinakamalaking cable providers sa bansa.

Ang Destiny Cable subscribers ay mabibigyan na ng pagkakataon na mapanood muli ang top-rating ABS-CBN teleseryes, asianovelas, comedy classics, at iconic reality TV.

Mamarkahan din ang launch ng Jeepney TV sa Destiny Cable ng tatlong matinding cable TV premiere. Una dito ang pagbabalik-TV ng iconic musical show ni maestro Ryan Cayabyab sa isang espesyal na episode na Ryan Ryan Musikahan: Piyano at Gitara kasama ang acoustic artists na sina Nyoy Volante, Kyla, Bullet Dumas, at Johnoy Danao sa Agosto 15, 9:00 PM. Magpapakitang gilas din si Xian Lim ng kanyang classical piano skills sa episode na ito.

Susunod naman dito ang pagpapakilig at pagpapaiyak ng tambalang Lea Salonga at Aga Muhlach sa cable TV premiere ng restored version ng Sana Maulit Muli sa Agosto 16, 9:00 PM.

Mapapanood rin ang muling pagsasanib pwersa nina Kim Chiu at Maja Salvador sa top-rating teleserye na Ina, Kapatid, Anak  simula Agosto 17.

Eere ito una sa cable TV mula Lunes hanggang Biyernes, alas-7 ng gabi.

 

 

Show comments