Heart natutong maging ina araw-araw
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2015 - 10:00am

Sa grand opening ng Uncle Tetsu Cheese Cake sa ground floor ng SM Megamall A (na ang local franchisor ay si G. Walter Co) kung saan ang misis ni Sen. Chiz Escudero na si Heart Evangelista ang nag-cut ng ribbon, inamin ng huli na hanggang ngayon daw ay nasa honeymoon stage pa rin sila ng kanyang husband considering na magda-dalawang buwan na silang kasal at nagsasama bilang mag-asawa.

Since parehong busy sa kanilang respective careers ang dalawa, hindi na nila nakuha pang mag-honeymoon sa ibang bansa although paalis sila this week patungong Japan para magbakasyon and maybe for their delayed honeymoon.

Ayon kay Heart, each day ay may natututunan siya sa pagiging mag-asawa nila ni Sen. Chiz.

Kahit wala pa silang anak ng kanyang mister, unti-unti na ring natututo si Heart sa kambal na anak ng senador (sa dating asawang si Christine Flores) na sina Ma. Cecilia at Joaquin na itinutu­ring din niyang mga anak.

Winwyn hindi alam kung susubok uling magbinibini

Kakaibang karanasan para kay Winwyn Marquez ang pagsali niya sa Bb. Pilipinas dahil marami umano siyang natutunan.

Pero hindi pa rin sigurado si Winwyn kung muli siyang sasali sa Bb. Pilipinas o ibang beauty pa­geant next year tulad nang ginawa ni Mary Jane “MJ” Lastimosa na tatlong beses sumali sa Bb. Pilipinas bago niya nasungkit ang Bb. Pilipinas-Universe crown last year.

ACIRC CHIZ ESCUDERO CHRISTINE FLORES HEART EVANGELISTA MARY JANE MEGAMALL A PILIPINAS UNCLE TETSU CHEESE CAKE WALTER CO WINWYN WINWYN MARQUEZ
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with