Nanay ni Pacman mahusay mag-alaga BF ni Mommy Dionisia tumaba na
TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 30, 2015 - 10:00am

Hindi puwedeng i-deny na magaling mag-alaga ng boyfriend si Dionisia Pacquiao, ang dakilang ina ni Congressman Manny Pacquiao dahil buhay na ebidensiya si Michael Yamson.

Instant celebrity si Michael nang aminin ni Mommy Dionisia sa publiko ang kanilang relasyon.

Marami ang nakapuna na tumaba si Michael buhat nang maging girlfriend niya ang madir ng Pambansang Kamao.

Tanggap na ng mga anak ni Mommy Dionisia ang pakikipagrelasyon nito sa bagets dahil karapatan niya na maging happy ang kanyang lovelife.

Naging mabuti at responsableng  nanay si Mommy Dionisia sa kanyang mga anak na solo niya na pinalaki.

Hindi madali ang maging single parent at ngayong maayos na ang buhay ng kanyang mga anak, ang sariling kaligayahan naman ang dapat na asikasuhin ni Mommy Dionisia na kumikislap ang mga mata kapag napag-uusapan si Michael.

Panonoorin ni Mommy Dionisia ang laban ng kanyang anak kay Floyd Mayweather Jr. sa May 2. May mga nagtatanong kung isasama niya sa Las Vegas ang kanyang bagets boyfriend na pihadong ayaw ma-miss ang historical Pacquiao-Mayweather fight.

Knowing Mommy Dionisia, type niya na isama sa US trip si Michael pero mangyayari lamang ito kung may US visa na ang kanyang bagets dyowa.

Sandali na lang at bakbakan na!

Sandali na lamang ang ipaghihintay ng boxing fans dahil April 1 na bukas. Isang buwan na lang, magaganap na ang bakbakan ng taon, ang boxing match nina Papa Manny at Floyd Mayweather Jr.

Hindi nawawalan ang Startalk ng mga update tungkol sa laban nina Papa Manny at Mayweather Jr. pero hindi mapapanood ang aming show sa linggong ito dahil sa Sabado de Gloria. Once a year lang na hindi umeere sa TV ang Startalk at nangyayari ito tuwing Black Saturday.

Panahon sobrang abnormal

Abnormal na talaga ang panahon dahil sa climate change. Ang init-init ng panahon kahapon kaya walang maniwala na papasok bukas sa Philippine area of responsibility ang bagong bagyo.

Wish ko lang, huwag matuloy ang pagpasok sa Pilipinas ng bagyo at sana, hoax lamang ito dahil bukas ang April Fools Day.

25th anniversary ng belo, star-studded

Star-studded ang 25th anniversary celebration ng Belo Medical Clinic na ginanap noong Linggo sa Manila Polo Club.

Hindi lamang ang mga artista ang naki-party kay Dra. Vicki Belo dahil dumalo rin ang mga who’s who sa business sector at high society.

Si Mama Vicki ang star of the show at siya ang punong-abala sa pag-aasikaso sa kanyang mga bisita na 25-years nang nagtitiwala sa Belo Medical Clinic.

Taos-puso ang pasasalamat ni Mama Vicki sa lahat ng mga patuloy na sumusuporta at tumatangkilik sa kanyang beauty clinic na  maituturing na isa nang institusyon.

Para hindi mabiktima ng mga nananamantala

Mga artistang nasa bakasyon hindi na dapat magyabang sa social media

Agree ako sa payo ng Philippine National Police na huwag nang i-post ng publiko sa social media ang kanilang mga lakad para hindi sila masalisihan ng mga magnanakaw.

Ang tiktikan sa social media ang bawat kilos at mga lugar na pinupuntahan ng kanilang mga bibiktimahin ang bagong modus operandi ng mga masasamang loob.

Bukas sa publiko ang mga social media account ng mga artista kaya sila ang unang tina-target ng mga malilikot ang kamay at mga Akyat-Bahay Gang.

Nasanay na  ang ibang mga artista na ipagmalaki  sa social media ang mga tourist spot na kanilang pinupuntahan. Parang ikamamatay nila kung hindi sila magkukuwento sa mga tao tungkol sa kanilang pagbabakasyon sa mga sosyal na lugar.

Inuuna ng ilang mga artista ang pagyayabang kaya  sila ang target ng mga magnanakaw.

AKYAT-BAHAY GANG ANG APRIL FOOLS DAY BELO MEDICAL CLINIC FLOYD MAYWEATHER JR. HINDI KANYANG MGA MOMMY DIONISIA PAPA MANNY STRONG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with