^

Sinag Maynila ‘inilihim’?!

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2015 - 12:00am

Marami ang nanghihinayang sa 1st Sinag Maynila Film Festival dahil hanggang sa pagtatapos nito kamakailan, March 24 ay hindi gaanong aware ang publiko dito dahil wala gaanong publicity maging ang ginanap na awards night kung saan sina Alessandra de Rossi, Ces Quesada, at Allen Dizon ang mga top acting winners.

Ang limang entries sa unang Sinag Maynila Film Festival ay ang Balut Country ni Paul Sta. Ana, Bambanti ni Zig Dulay, Imbisibol ni Lawrence Fajardo, Ninja Party ni Jim Libiran at ang Swap ni Remton Zuasola.

Ang awards ceremony ay ginanap sa SM Aura last Saturday, March 21.

Ang Sinag Maynila ay joint project ng Solar Entertainment ni Wilson Tieng at Director Brillante Mendoza.

Iya priority muna ang triathlon

One year and two months nang kasal si Iya Villania sa kanyang mister na si Drew Arellano pero hanggang ngayon ay wala pa rin sa kanilang immediate plans para magka-baby dahil pareho silang busy sa kanilang respective careers.

Parehong athletic ang mag-asawang Drew at Iya kaya hindi kataka-taka ang pagsali ng actress-TV host sa Iron Man 70.3 Triathlon Competition na first time niyang sasalihan. At ito ang isa sa pinagkakaabalahan ng misis ni Drew liban pa sa paghu-host ng Taste Buddies with Solenn Heussaff at iba pang TV projects under GMA.

Marion inaabangan na sa unang major concert

Hindi kataka-taka ang pagiging mahusay na singer ni Marion Aunor, ang panganay sa dalawang anak ng dating Apat na Sikat member na si Maribel “Lala” Aunor at first cousin ng Superstar Nora Aunor.

Ang maganda kay Marion, hindi lamang siya magaling kumanta kundi isa rin siyang mahusay na writer-composer.

Si Marion ay nakatakdang magkaroon ng first major concert sa Teatrino in Greenhills, San Juan City on April 10 na pinamagatang Take a Chance, kung saan niya magiging special guests sina Edward Benosa, Michael Pangilinan, Edgar Allan Guzman, Vin Abrenica, at kaisa-isang kapatid na si Ashley.

Ang negosyanteng ina ni Marion na si Lala ay very supportive sa kanyang dalawang anak na parehong mahilig sa musika.

ALLEN DIZON ANG SINAG MAYNILA BALUT COUNTRY CES QUESADA DIRECTOR BRILLANTE MENDOZA DREW ARELLANO EDGAR ALLAN GUZMAN EDWARD BENOSA MARION SINAG MAYNILA FILM FESTIVAL
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with