StarStruck pinipilahan pa rin!
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - March 26, 2015 - 12:00am

Pruweba ng aking paggaling ang pagkuha sa akin ng GMA para mag-judge sa StarStruck. Nasiyahan pa nga ako at hindi napagod sa trabaho nang makita ang maraming may potensyal sa pag-aartista. Ang daming mga gustong mag-showbiz. At marami sa kanila ang may “K” sa pag-aartista.

Tutok sa pag-aaral ng mga bata..

May apo na naman ako na nag-graduate sa ­elementary. Nasa high school na sa darating na pasukan sa La Salle Greenhills si Raffy Moreno at bukas makalawa malalaman ko na kung ano at saan ang hilig nito. Pasalamat ako na naka-focus sa studies nila ang aking mga apo. Dito ko pinupuri ang anak kong si Freddie at ang manugang kong si Shiela. Ngayon ko napatunayan na talagang kapag ginusto ng mga magulang, malalagay sa maganda ang mga anak nila.

Happy birthday...

Sa aking pagkakasakit, isang malaking dahilan ng mabilis kong paggaling ay ang suporta at tulong ng maraming kaibigan both from showbiz and out of it. Na­ngunguna na rito ang ipinalalagay kong godmother na si Alice Eduardo who ce­lebrated her birthday recently. Happy birthday sa kanya at thank you for all your help. Happy birthday din sa pamangkin kong si John Nite who has taken over some of my chores for me lalo na sa Walang Tulugan with the Master Showman.

ALICE EDUARDO DITO FREDDIE JOHN NITE LA SALLE GREENHILLS MASTER SHOWMAN RAFFY MORENO WALANG TULUGAN
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with