^

PSN Showbiz

Cesar walang pinalalampas na pelikula ni Sean Penn

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Alam mo, Salve A., I have to admit na hindi ako movie buff but whenever I have a chance at oras, naisisingit ko rin ang panonood ng sine paminsan-minsan sa pamamagitan ng mga premiere nights o ‘di kaya celebrity screenings.

Sa imbitasyon ng OctoArts big boss na si G. Orly Ilacad sa celebrity screening ng action-packed movie na The Gunman, napanood namin ang kakaibang action movie na pinagbibidahan ng ex-husband ni Madonna na si Sean Penn.

Kahit hindi kami mahilig sa action movies ay tinapos namin ang pelikula dahil maganda ang pagkakagawa at na-surprise kami sa husay ni Sean na malaki ang hawig kay Sylvester Stallone.

Ang isang big fan ni Sean Penn ay ang actor-director-producer na si Cesar Montano na humabol sa premeire showing ng pelikula sa Megamall last Monday evening.

Ayon kay Buboy (palayaw ni Cesar), wala umano siyang pinalalagpas na pelikula ni Sean at hangang-hanga siya sa husay nitong actor.

Showing na sa mga sinehan ang The Gunman na dinirek ni Pierre Morel na siya ring director ng Taken.

Alonzo walang malay na sikat na

Dala-dalawa ang teleserye ng bagong Child Wonder na si Alonzo Muhlach ang tumatakbo ngayon, ang Inday Bote na nagsimula last March 16 at ang Wansapanataym Presents: Yamishita’s Treasures na magsisimula namang mapanood ngayong gabi, March 22 sa Kapa­milya Network.

Gusto pa sana nilang kunin si Alonzo na maging ba­hagi ng daily morning show na Umagang Kay Gan­da (UKG) pero nag-beg off na muna ang mga namamahala sa career ng bata dahil wala na ito halos pahinga. Dalawang taping kasi ang kanyang nilalagare ngayon at malapit na rin niyang simulan ang kanyang launching movie sa bakuran ng Viva Films at sunud-sunod na product endorsements.

Ang maganda kay Alonzo, hindi siya aware na sikat na siya kahit pinagka­kaguluhan siya saan man magpunta. Very accommodating ang bata sa tuwing hinihingan siya ng photo souvenir ng kanyang fans.

vuukle comment

ALONZO

ALONZO MUHLACH

CESAR MONTANO

CHILD WONDER

INDAY BOTE

ORLY ILACAD

PIERRE MOREL

SALVE A

SEAN PENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with