^

PSN Showbiz

Repeater sa Binibining Pilipinas hinihintay kung papalarin na

SEEN SCENE - Pilipino Star Ngayon

SEEN: Kahit alam nila na malubha ang karamdaman ni Liezl Martinez, nahihirapan pa rin si Albert Martinez at ang kanilang tatlong anak na tanggapin ang pagkawala ng former actress at MTRCB member na namatay kahapon dahil sa kanser.

SCENE: Sampung buwan pa lang na nananatili si Rachelle Ann Go sa London dahil mainstay siya ng Miss Saigon pero makapal na ang kanyang British accent. Kahit sa pagsasalita ng wikang Pilipino, may British accent pa rin si Rachelle.

SEEN: Ang cast party ng Two Wives noong Biyernes na isinabay sa pagwawakas ng top rating primetime drama series ng ABS-CBN.

SCENE: Winner ang impersonation ni Michael V. sa Dubai-based fashion designer na si Michael Cinco, ang creator ng wedding gown ni Marian Rivera at debut gown ni Julia Barretto.

SEEN: Too stiff para sa mga magulang ang P2,000 entrance fee ng bawat bata sa DreamPlay, ang interactive, technology-rich play na malapit nang buksan sa City of Dreams. Collaboration ng City of Dreams at ng DreamWorks ang DreamPlay.

SCENE:  Gabi ng mga repeater sa Bb. Pilipinas dahil ngayon malalaman kung sino ang papalarin na matupad ang pangarap na makuha ang mga beauty crown na naging mailap sa kanila.

SEEN:  “What now?” ang tanong kay DILG Secretary Mar Roxas ng mga nakapanood sa TV ng kanyang statement na walang pananagutan si P-Noy sa Mamasapano massacre dahil kontra ang pahayag niya sa inilabas na report  ng Board of Inquiry.

SCENE : Matapos aminin sa PBB All In ang pagiging bisexual, hindi pa rin nag-take off ang showbiz career ni Fifth Pagotan, ang younger brother ng comedienne na si Chariz Solomon.

ALBERT MARTINEZ

ALL IN

BOARD OF INQUIRY

CHARIZ SOLOMON

FIFTH PAGOTAN

JULIA BARRETTO

KAHIT

LIEZL MARTINEZ

MARIAN RIVERA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with