^

Sarah at Matteo lovey dovey sa concert ng British singer na si Ed Sheeran

TAKE IT TAKE IT - Lolit Solis (Pilipino Star Ngayon) - March 14, 2015 - 12:00am

Kuryente ang tsismis na hiwalay na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.

Na-sight ang dalawa sa concert  ni Ed Sheeran sa The Arena noong Huwebes.

Ang sey ng mga eyewitness, lovey dovey ang dalawa at walang-wala sa kanilang mga kilos na may problema ang relasyon nila.

Madalang na makita sa mga public place sina Sarah at Matteo. Nasisilayan lamang ng mga tao ang dalawa kapag nanonood sila ng mga concert na may approval ng magulang ni Sarah.

Hindi ako sure kung inihihingi pa rin ni Matteo ng permiso sa mga magulang ni Sarah ang kanilang mga date.

Make up transformation ni Paolo Ballesteros, bumida sa CNN

Naglabas ng article ang CNN tungkol sa make up transformation ni Paolo Ballesteros. Pinuri ng CNN writer na si Lisa Respers France ang talent ni Paolo sa pangongopya sa mukha ng mga sikat na personalidad sa pamamagitan ng make-up.

Damay sa article ang Eat Bulaga dahil kabilang si Paolo sa mga co-host ng sikat na noontime show.

Isinulat ni France na may 750,000 Instagram followers si Paolo dahil sa kanyang talent sa make-up transformation.

Tiyak na madaragdagan pa ang followers ni Paolo dahil sa popularity ng CNN at mag-expect na siya na may mga manggagaya sa kanyang ginagawa na normal lang. Ang mahalaga, si Paolo ang original at unang nagpasikat sa make-up transformation.

Ang kakaibang talent ni Paolo ang dahilan kaya siya ang napili ni Jun Lana para magbida sa Die Beautiful ng APT Entertainment.

Sa totoo lang, interesado ang foreign media na mainterbyu si Paolo pero iilan pa lamang ang pinagbibigyan niya.

Hoping pa rin ang fans ni Paolo na makapag-guest siya sa show ni Ellen DeGeneres para mapanood ng buong mundo ang galing niya sa make-up transformation.

Ginaya na ni Paolo ang mukha ni Ellen pero dedma pa ang production staff ng sikat na TV host.

Personal Assistant na pinoy ni Mayweather pinag-iinteresang makilala

Umiral na naman ang kayaba­ngan ni Floyd Mayweather nang sabihin nito sa isang interview na hindi niya pinanonood ang tapes ng boxing fights ng kanyang mga makakalaban dahil ang kanyang style ang pinag-aaralan ng oppo­nents niya.

Nagbait-baitan si Mayweather sa pre-fight presscon nila ni Manny Pacquiao noong Miyerkules sa Nokia Theater.

Hindi napanindigan ni Mayweather ang pagbabait-baitan dahil lumitaw pa rin ang kanyang tunay na kulay. Hindi niya talaga mapigilan na magbuhat ng sariling bangko dahil wala sa kanya ang humility at sincerity ni Papa Manny.

Nabanggit sa interbyu na malapit sa puso ni Mayweather ang mga Pilipino dahil Pinoy ang kanyang personal assistant.

Marami ang naintriga sa rebelasyon ni Mayweather kaya gusto nila na makilala ang assistant niya na Pilipino na siguradong pupusta sa kanya at hindi kay Papa Manny.

Justin imbyerna sa mga nag-ookray sa kanyang pag-epal kina Manny at Floyd

Imbyerna si Justin Bieber sa mga nang-ookray na sidekick siya ni Floyd Mayweather Jr.

Ang sarili ang dapat sisihin ni Justin dahil kung hindi siya pumapel sa presscon nina Papa Manny at Mayweather Jr., hindi siya tatawagin na sidekick at gatecrasher.

Kinabuwisitan ang pag-akyat ni Justin sa stage habang kinukunan ng litrato sina Papa Manny at Mayweather sa pre-fight presscon. Hindi nirespeto ni Justin ang event at ang dalawang boxer dahil sa pang-aagaw niya ng eksena. Nagmistulang sidekick talaga si Justin sa ginawa niya.

DAHIL JUSTIN MAYWEATHER NIYA PAOLO PAOLO BALLESTEROS PAPA MANNY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with