Mga awtoridad pasimuno pa ng gulo?!

MANILA, Philippines – Susuriin ni Atom Araullo ang mga kaguluhan sa kalsadang nagmula sa init ng ulo ngayong araw (Mar. 11) sa Reali-TV ng ABS-CBN.

Ipapalabas dito ang mga bidyong nakunan ng kamera kung saan ang awtoridad pa mismo na da­pat umaapula sa mga gulong nasa kalsada ang maging pasimuno pa nito.

Tampok din ang isang bidyo ang simpleng titigang nauwi sa bakbakan, pati na ang underground boxing na may pustahan at nauwi sa pagkakainitan ng mga kasali na pinuruhan ang isa’t isa.

Iyan at iba pa ang mapapanood sa Reali-TV nga­yong araw (Mar. 11) sa ABS-CBN, 4:30 ng hapon.

Show comments