6 Cycle Mind at Sassy Girls magbibigay sigla sa mga bangkero!

MANILA, Philippines – Tiyak na matutuwa ang mga bangkero at dragon boat teams na lalahok sa 2015 Manila Bay Seasports Festival sa pagtatanghal ng 6 Cycle Mind at Sassy Girls sa isang concert kasabay ng awarding ceremonies na gaganapin sa Baywalk sa ika-15 ng Marso.

Tampok din ang mga kilalang deejay ng 90.7 Love Radio na sina Kristine Dera at Tanya Chinita.

Alas-otso ng umaga magsisimula ang mga karera. Ang 2015 Manila Bay Seasports Festival ay handog ng Manila Broadcasting Company at Lungsod ng Maynila sa pakikipagtulungan ng Philippine Coast Guard. Suportado rin ito ng Globe Telecom, Pride Detergent, Cobra Energy Drink, The Gene­rics Pharmacy, Revicon, M. Lhuillier, Columbia Candies, and Herco-official distributor for Briggs and Stratton.

Show comments