^

Nash ilang araw na lang makakapiling ang ‘anak ’

(Pilipino Star Ngayon) - March 10, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Wala nang bitawan ang TV viewers sa mga ma­kapigil-hininga at emosyonal na eksena ng ka­rak­ter ng Kapamilya teen actor na si Nash Aguas sa top-rating primetime drama series ng ABS-CBN na Bagito, na mag­wawakas na ngayong Biyernes (Marso 13).

Ngayong nagagawa na niyang bantayan si Baby Alby sa tulong ng isang hidden camera, mu­ling masasangkot sa malaking gulo si Drew (Nash) matapos masaksihan ang hindi magandang pagtrato dito ng amang si Ralph (Alex Diaz). Hanggang saan kayang ipaglaban ni Drew ang kanyang pagmamahal para kay Baby Alby? Mapatutunayan na ba niya kay Vanessa (Ella Cruz) ang tunay na kulay ni Ralph? Sa huli, paano nga ba makatutulong kay Drew sina Camille (Alexa Ilacad), ang kanyang mga kaibigan, at magulang upang maitama niya ang lahat ng kanyang mga naging pagkakamali?

Bahagi rin ng powerhouse cast ng Bagito ang mga batikang artista na sina Agot Isidro, Ariel Rivera, at Angel Aquino. Kasama rin si Paolo Santiago, at ang mga m­iyembro ng sumisikat na boy group na Gimme 5 na sina Joaquin Reyes, John Bermundo, Grae Fernandez, at Brace Arquia. Ito ay sa ilalim ng direksyon ni Onat Diaz at Jojo Saguin.

Ang Bagito ay sa ilalim ng produksyon ng Dreamscape Entertainment Television, ang grupong lumikha ng mga de-kalibre at top-rating TV masterpiece gaya ng Walang Hanggan, Ina Kapatid Anak, Juan dela Cruz, at Ikaw Lamang.

Huwag palampasin ang ‘Last Embrace’ ng Bagito, ngayong Biyernes, bago mag-TV Patrol sa ABS-CBN Primetime Bida.

AGOT ISIDRO ALEX DIAZ ALEXA ILACAD ANG BAGITO ANGEL AQUINO ARIEL RIVERA BABY ALBY BAGITO BIYERNES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with