Bea Santiago masama na raw ang ugali kaya hindi imbitado sa coronation ng Bb. Pilipinas
SEEN SCENE - Rosalinda L. Orosa (Pilipino Star Ngayon) - March 9, 2015 - 12:00am

SEEN: Sintunado  ang boses ni Kylie Padilla at hindi niya sineseryoso ang pagkanta kahapon sa Paborito segment ng Sunday All Stars ng GMA 7.

SCENE: Ang balita na hiwalay na si Gwen Zamora sa kanyang boyfriend na anak ni Tacloban City Mayor Alfred Romualdez. Magkasama si Gwen at ang kanyang boyfriend nang magmisa si Pope Francis sa Tacloban City noong January 17.

SEEN: Inihatid na kahapon si Jam Sebastian sa  huling hantungan niya  at mapapahinga na sa pagpapainterbyu ang kanyang ina at girlfriend.

SCENE: Ang balita na hindi invited si 2013 Miss International Bea Rose Santiago sa coronation night ng Bb. Pilipinas 2015 sa March 14 dahil nagbago na ang kanyang ugali.

SEEN: Ang award-winning movie/TV director na si Maryo J. Delos Reyes ang pinagkalooban ng Lifetime Achievement Award sa Star Awards for Movies ng Philippine Movie Press Club na ginanap kagabi sa grand ballroom ng Solaire Resort and Casino.

SCENE: Nasaktan si Regine Velasquez sa blind item na namimili siya ng mga nakakatrabaho. Sinabihan ni Ogie Alcasid ang kanyang asawa na huwag magpaapekto sa mga tsismis na imbento dahil answerable lamang sila sa Diyos.

SEEN: Done deal na ang pagbabalik ni Willie Revillame sa telebisyon kaya nag-umpisa na ang meeting at brainstorming nila ng kanyang production staff.

SCENE: Si Anna Feliciano ang choreographer ng Rising Stars Philippines ng TV5. “Queen of Choreography” ang pakilala ng TV5 kay Feliciano.

DELOS REYES GWEN ZAMORA JAM SEBASTIAN KYLIE PADILLA LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD MARYO J MISS INTERNATIONAL BEA ROSE SANTIAGO OGIE ALCASID
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with