^

PSN Showbiz

Billy feel na feel ang pagiging PA kay Coleen!

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Hindi naman itinatanggi ni Billy Crawford na tumatayo siyang alalay ng girlfriend na si Coleen Garcia. Saan man ito magpunta, at lalo na sa mga bagay na may kinalaman sa kanyang pag-aartista ay pala­ging naroroon siya, nagbibigay ng payo at suhestyon na kailangang- kailangan para sa isang madaliang pagpapasya.

Sa kabila ng kanyang pag-aasikaso sa nobya, never namang napabayaan ni Billy ang sarili niyang trabaho. Lalo na ngayong bukod sa It’s Showtime na magkasama  nilang hino-host  ni Coleen ay may bago nang programa ang dating taga-That’ s Entertainment  na wala si Coleen. Ang maganda sa relasyon nila, hindi one sided ang tulungan nila. Kahit si Billy ang tumatayong PA ni Coleen, at kasa-kasama nito ng maraming oras, never siyang ini­­wang mag-isa ng girlfriend. Kapag wala itong tra­baho, andun din siya sa tabi ni Billy, kundi man nagsisilbing morale booster ay cheerer nito. Tuloy tinu­tukso sila na baka malapit na silang mag-asawa, pero itinanggi ito ng binata. Sa edad na 22 ni Coleen, aware si Billy na marami pa itong gustong gawin at suportado niya ito. Hindi pa naman siya atat na ma­pangasawa ito. Marami pa silang plano.

Tama na enjoyin na muna nila ang relationship nila and give themselves time na mas makilala pa ang isa’t isa.

Star Awards pasabog ang performers

Kaabang-abang naman ang gagana­ping 31st Star Awards for ­Mo­­vies mamayang ika-6 ng gabi sa The Theater at Solaire. Kung hindi n’yo ma­hi­hintay ang coverage dito ng ABS-CBN sa March 22 sa Sunday’s Best, go na kayo sa  The Theater @Solaire Hotel Resorts & Casino na kung saan ay gaganapin ng live ang Gabi ng Parangal. Magsisilbing host sina Kim Chiu, Iza Calzado, Xian Lim, at Pops Fer­nandez. Si Robi Domingo ang segment host.

Maraming artista ang magiging performer—Cha­rice, Pilipinas Got Ta­lent Season 3 finalist, Lucky Rob­les, Karaoke World Champion Lillibeth Garcia at JV Decena, X Factor Philippines, at Macau In­ter­nationa Jazz Blues Festival finalist Mark Mabesa.

Special awardees sina Celia Rodriguez para sa Nora Aunor Lifetime Achieve­ment Award o Ulirang Ar­ista at Maryo J. delos Reyes, ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera, isang Lifetime Achievement Award din.

Pakaabangan ang pagpapatunay ni Alex Gonzaga na hindi lamang si Toni Gozaga ang singer sa pamilya kundi maging siya rin. Abangan ang showdown nila.

ALEX GONZAGA

BILLY CRAWFORD

CELIA RODRIGUEZ

COLEEN

COLEEN GARCIA

IZA CALZADO

SHY

STAR AWARDS

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with