Audition ng PBB dinagsa ng nag-iilusyong mag-artista!, Dingdong nagsuot ng high heels para sa mga kababaihan

SEEN: Dinagsa kahapon ang audition ng ABS CBN para sa PBB737 sa Smart Araneta Coliseum. Muling bubuksan ng ABS-CBN ang Bahay ni Kuya ngayong summer.

SCENE: Sumali sa PBB 737 auditions si Gian Carlo, isa sa Final Four ng Starstruck 3 ng GMA 7. Si Gian Carlo ang ama ng anak ng ABS-CBN contract star na si Eda Nolan.

SEEN: Battered but ok ang kalagayan ng 72-year old Hollywood actor na si Harrison Ford na nasugatan nang mag-crash landing noong Huwebes sa isang golf course sa Los Angeles ang eroplano na siya ang piloto.

SCENE: Nagagawa ni Karla Estrada na pagtawanan ang kanyang katabaan na ikinagulat ng mga reporter na dumalo sa presscon ng Your Face Sounds Familiar ng ABS -CBN.

SEEN: Nag-aambisyon na mag-artista si Maggie, ang nakababatang kapatid na babae ni Daniel Padilla. Kasama ni Karla Estrada sa presscon ng Your Face Sounds Familiar si Maggie na hiyang-hiya nang ibuking ng kanyang ina ang pangarap niya na pumasok sa showbiz.

SCENE: Ang statement ni Billy Crawford na umaasa siya na ang kanyang girlfriend na si Coleen Garcia ang maging future niya.

SEEN: Ang pagsusuot ni Dingdong Dantes ng high-heel shoes bilang pagpupugay niya sa mga kababaihan sa buong mundo. Ito ang pangalawang taon na nanguna ang National Youth Commission sa pagdiriwang ng Women Power. Si Dingdong ang Comissioner-at-large ng National Youth Commission.

Show comments