Ellen mas gusto munang magkaanak bago pakasal

Wala raw kasintahan ngayon si Ellen Adarna matapos nilang maghiwalay ng non-showbiz boyfriend ilang buwan na ang nakalilipas.

Kaya naman nag-e-end ang relationships because may dahilan. Nakaka-miss pero it’s better for us. Kasi na-ex­perience ko na do’n sa first boyfriend ko for three years. After naming mag-break, super cry talaga ako, dinamdam ko talaga. Pero as time flies by, parang hindi na uso sa akin ‘yon. Kapag ayoko na, ayoko na and walang iyak-iyak. Kailangan move on kaagad,” pagbabahagi ni Ellen. Nagkaroon ng mga espekulasyon na si Ejay Falcon diumano ang naging dahilan ng paghihiwalay nina Ellen at dating nobyo nito. “He (Raoul Olbes, ex-boyfriend) knows naman na walang ibang party na involved kaya kami naghiwalay. May mga nagpaparamdam pero wala muna. Iba ‘yung priorities ko right now. Sigu­ro for now, I would like to concentrate on my career and saka na ‘yung love. If may darating, siguro date-date muna. Wala munang commitment,” paliwanag ng aktres.

Samantala, aminado si Ellen na mas gusto niyang magkaanak muna bago magpakasal. “Naku! Wala sa bokabularyo ko ‘yan. Maybe in my 30’s, gusto ko lang magkaanak, even my parents know that. I told them na in three years time, I like to have my own baby na, and they said they will support me. Siguro when I’m 35 na and I feel na ready na ako to get married siguro ‘yun na ‘yun,” pagtatapos ng dalaga.

Alex nagpa-practice nang magsolo sa kuwarto

Tanggap na tanggap na raw ni Alex Gonzaga nga­yon na nalalapit na talaga ang pagpapakasal ng kapatid na si Toni Gonzaga at Paul Soriano. May mga nagsasabing sobrang emos­yonal diumano ni Alex mula nang mag-propose ng kasal ang direktor sa kanyang ate kamakailan.

Sa totoo lang po, wala pong ibang makakaintindi sa akin. Kasi for 27 years ka­sa­ma ko po talaga ang ate ko sa isang kwarto. Kung hindi man po sa isang kwarto eh sa isang C.R. (comfort room). So for 27 years, siya lang po talaga ang kasama ko. Ang pinakamatagal na po naming paghihiwalay is ‘yung sa PBB (Pinoy Big Brother), 49 days, pero alam ko pong nandoon lang siya sa labas,” kuwento ni Alex.

Unti-unti na raw nag-a-adjust ngayon ang aktres sa kanilang bahay na iiwanan na ni Toni pagkatapos magpakasal. “Kapag naiisip ko pa lang na hindi ko na siya makikita everyday sa bahay, hindi na ako ‘yung priority niya, hindi na kami ‘yung laging magkasama, siyempre may iba na siyang pamilya. Nagpa-palpitate po ako pero kinakaya ko naman po. Pero ngayon, nakaka-move on na po ako, nakaka-adjust na,” dagdag pa ng aktres.

Samantala, sa March 16 ay magsisimula na sa Kapamilya network ang teleseryeng Inday Bote na pinagbibidahan ni Alex. Reports from JAMES C. CANTOS

                                        

Show comments