^

PSN Showbiz

Pacman sinalubong ng mga ‘alagad’ sa Amerika

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Ang pagsalubong ng napakaraming Pinoy at iba’t ibang nationalities sa ating pambansang kamao na si Manny Pacquiao noong Sabado ng gabi (kahapon nang tanghali sa ‘Pinas) sa Tom Bradley International Airport sa Los Angeles, California.

Hindi nawala sa mga sumundo kay Pacquiao ang kanyang Team Pacquiao na karamihan ay based sa Amerika.

Nagpunta na ng Amerika si Pacquiao para mag-start ng kanyang training para sa boxing fight nila ni Floyd Mayweather.

Sina Pacquiao at Mayweather ang topic ng sports shows around the world.

Martin, Regine, Gary at Lani wala munang magaganap na balikan

Wala munang balita tungkol sa repeat ng Ultimate concert nina Martin Nievera, Regine Velasquez-Alcasid, Gary Valenciano, at Lani Misalucha.

Ang sigurado, walang magaganap na Ultimate repeat ngayong March dahil hindi magtugma-tugma ang schedules ng apat na singers kahit matindi ang clamour na madaliin na ang repeat ng nasabing very successful concert.

Si Gary ay aalis papuntang abroad at si Lani ay hanggang sa March 12 na lang sa ‘Pinas at babalik na ng Las Vegas, Nevada.

Sa ngayon, ina-eye ng producers na sina Anna Puno at Cacai Velasquez-Mitra ang buwan ng September para sa kanilang repeat.

Maja at Kim nag-reunion!

Ang reunion kagabi ng Ina Kapatid Anak sa bahay ng ABS-CBN executive na si Deo Endrinal.

Ang Ina Kapatid Anak ay ang very successful primetime teleserye na pinagbidahan nina Kim Chiu at Maja Salvador sa Kapamilya network noong 2012.

Sa nasabing teleserye mas napansin ang away noon nina Kim at Maja na ang itinuturong dahilan ay si Gerald Anderson.

Noon ay napabalitang kapag hindi magkaeksena ay hindi nag-uusap sina Kim at Maja.

Nagkabati rin naman ang dalawa at pareho na silang naka-move-on at masaya pa rin si Maja sa piling ng boyfriend na si Gerald samantalang hindi pa naman maamin-amin ni Kim ang tungkol sa pinagdududahang relasyon nila ni Xian Lim.

Mga kakilala ni Jolo halu-halo ang reaksiyon

Mixed ang reactions ng mga kakilala ni Cavite Vice Gov. Jolo Revilla sa dudang nag-suicide attempt siya kaya nabaril ang kanang dibdib.

May ibang nagsasabing posibleng emotional nga masyado si Jolo sa patuloy na pagkakakulong ng amang si Sen. Bong Revilla, pero may iba namang naniniwala sa version na aksidente lang na nabaril niya ang sarili habang nililinis ang kanyang baril.

AMERIKA

ANG INA KAPATID ANAK

ANNA PUNO

BONG REVILLA

CACAI VELASQUEZ-MITRA

CAVITE VICE GOV

DEO ENDRINAL

FLOYD MAYWEATHER

GARY VALENCIANO

MAJA

  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with