Nag-feeling bata rin Carmina todo ang love scenes kay Paulo!

Kasama si Carmina Villarroel sa teleser­yeng Bridges of Love na pinagbibidahan nina Jericho Rosales, Paulo Avelino, at Maja Salvador. Lover daw ni Paulo ang role ni Carmina sa bagong soap opera kaya nagkaroon sila ng lovescenes.

Sobrang kinabahan ang aktres nang kunan ang nasabing eksena sa unang araw ng taping nila. “Oo, first day. That’s why kinailangan ko siguro ng one year rest for this project. Kasi kinailangan ko ng motivations and because it’s really something different. Ang tagal ko na sa industriya na ‘to but this is the role na tala­gang kinabahan ako. Kasi kung kailan naman ako nagkaroon ng dalawang supling,” nakangiting pahayag ni Carmina.

Naintindihan naman daw ng asa­wang si Zoren Legaspi at mga anak na sina Cassy at Mavy ang tra­baho ng aktres kaya walang naging problema sa nasabing love scene. “Oo, trabaho lang naman. So hindi naman kailangang mag-react nang ganito at sa mga anak ko naman, huwag na lang nila panoorin but they know naman na it’s part of my work. Di naman sa gusto ko na mangyari ito, kinailangan lang and hindi lang sa masabi na mag-kiss kayo diyan at magpakita ng skin. I’m very ho­nest naman with my kids and I’m sure they will understand pero ‘di na nila kailangang panoorin,” paliwanag ni Carmina.

Pakiramdam daw ng aktres ay bumata siya dahil sa bagong role sa serye. “I’m very thankful because ako ‘yung nais nila to portray Alexa so feeling bagets. This is really different because this time I’m not a mommy,” pagtatapos ng aktres.

Liza crush na crush ang best friend

Posible raw na mauwi talaga sa isang relasyon ang pagkakaroon ng ‘understanding’ nina Liza Soberano at Enrique Gil ayon sa aktres. “It’s possible, yes. But right now we both have something we want to focus on and we have things we want to achieve, and we’re focusing muna on that but yeah it’s possible,” makahulugang pahayag ni Liza.

 Aminado rin ang dalaga na crush niya ang aktor at itinuturing niya itong best friend sa ngayon. “It’s not hard to like him, his very likeable and we’re close. It’s fun to have a crush on your best friend,” dagdag pa ni Liza.

Gustung-gusto raw ng aktres kay Enrique ang pagiging mapagmahal nito sa pamilya. “’Yung pagiging family person and he loves animals. Makikita mo talaga na ginagawa niya lahat for his family, for his mother, that he has dreams and in his dreams kasama niya ‘yung family niya. That’s something that I really like about a guy,” pagbabahagi pa niya. 

Reports from JAMES C. CANTOS 

Show comments