Enrique Gil nagtapat na ng feelings kay Liza Soberano

MANILA, Philippines – Inamin kagabi ni Enrique Gil na nagtapat na siya ng feelings kay Liza Soberano.

Sinabi ni Enrique na ipinaalam lamang niya ito sa “Forevermore” partner, pero hindi pa siya nanliligaw.

"Kasi 17 pa lang siya. Siguro 'pag 18 na raw siya," kuwento ni Enrique sa “Aquino and Abunda Tonight.”

Sinabi pa ng 22-anyos na Kapamilya star na handa siyang maghintay para kay Liza.

"May understanding kami na parang... 'Gusto kita.' Siya naman, she understands how I feel," dagdag niya.

Ikinuwento pa ni Enrique na naging close sila ni Liza dahil sa Forevermore na patok na patok ngayon.

Samantala, pinabulaanan ni Enrique na nagseselos siya sa isa pang leading man ni Liza na si Diego Loyzaga.

“Ako sa pagseselos parang hindi naman, parang wala naman. Alam ko naman na may understanding kami [ni Liza].”

Show comments