Jennylyn sinampal-sampal

(Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Painit ang mga nangyayari sa seryeng Second Chances ng GMA 7. kinakabahan sina Bernard (Raymart Santiago) at Colleen (Chynna Ortaleza) sa gagawing DNA test kina Billy (Joshen Bernardo) at Rebecca (Camille Prats). On the other hand, Federico (Roi Vinzon) confidently assures Rebecca na magiging pabor sa kanila ang DNA test. Jerome (Rafael Rosell) comforts Lyra (Jennylyn Mercado) and tells her that she did the right thing.

Nakita naman ni Colleen si Rebecca sa hospital at sinundan niya ito; makikita niya itong pumasok sa clinic ng isang Psychiatrist. Sa tulong ni Sam, makukuha nila ang patient’s record ni Rebecca mula sa clinic at malalamang may Bipolar Disorder ito.

Sasabihin ni Colleen ang nalaman kina Bernard at Atty. Stella para makatulong sa kaso.

Pupunta si Lyra sa bahay nina Federico para humingi ng tawad sa kanila ni Rebecca pero sinabihan siyang hangga’t wala sa poder nila si Billy/Daryl ay hindi pa siya mapapatawad. Labis na malulungkot si Lyra dahil pakiramdam niya’y nawalan siya ulit ng pamilya (Federico at Rebecca) at dahil hindi na matutuloy ang kasal ay nawala rin sa kaniya sina Bernard at Billy; awang-awa si Penny (Frencheska Farr) sa kanya.

Matapos isalang sa witness stand si Bernard ay magugulat ang kampo nina Rebecca nang biglang hilingin ni Atty. Stella na magpa-psychiatric evaluation si Rebecca na sasang-ayunan naman ng Judge. Rebecca is worried.

Mapatutunayan sa korte na may Bipolar Disorder si Rebecca. Pagbibintangan ni Rebecca na si Lyra ang nagsabi kina Bernard tungkol sa kanyang sakit kaya susugurin nila ni Federico si Lyra sa bahay nito. Magkakaroon ng confrontation hanggang galit na masasampal ni Rebecca si Lyra.

BIPOLAR DISORDER CAMILLE PRATS CHYNNA ORTALEZA FEDERICO FRENCHESKA FARR JENNYLYN MERCADO JOSHEN BERNARDO RAFAEL ROSELL RAYMART SANTIAGO REBECCA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with