Sarah napanatiling tahimik ang lovelife
- Veronica R. Samio (Pilipino Star Ngayon) - February 16, 2015 - 12:00am

Matagumpay si Sarah Geronimo sa pagmi­mintina ng katahimikan at pagiging private ng kan­yang lovelife. Dumaan ang Valentine’s Day na hindi sila nasentruhan ni Matteo Guidicelli ng kahit anong intriga o pangungulit. At kung kaya itong gawin ng isang pop royalty, bakit nga ba hindi ng ibang artista na kasing sikat din niya at ka­ilangang gumawa ng eskena sa Araw ng mga Puso para lamang mapag-usapan?  

Hindi man naging Velentine offering ang pelikula nilang pagsasamahan sana ni Piolo Pascual, kinumpirma naman niya ang pagkakatuloy nito. Sinabi niya na tatapusin muna niya ang The Voice of the Philippines bago siya magsimula ng shooting nito. May usap-usapan din na balak silang pagsamahin ni Lee Min Ho.

Hindi naman maiwasang isipin na nangunguna na siya bilang endorser sa pagbibigay sa kanya ng ABS-CBN ng pagkakataon na iendorso ang kanilang ‘Mahiwagang Black Box o ‘yung ABS-CBN tVplus.

Diego ayaw sukuan ang showbiz

Hindi talaga sinukuan ni Diego Loyzaga ang kanyang pag-aartista. Sa halip ay mas pinagbuti niya ang kanyang pag-arte na kitang-kitang sa mga proyekto niya ngayon. Tulad na lang ng Forevermore  kung saan ay bibigyan niya ng magandang laban si Enrique Gil sa puso ni Liza Soberano. Biruin mo, kung sumuko siya agad dahil lang ‘di nabigyan ng magandang role sa launching project ni Julia Barretto, baka nakalimutan na siya ng publiko. Sa launching serye ni Liza, mas maganda ang tiyan­sa niyang mapansin hindi lamang ng televiewers kundi ng mga bossing ng Kapamilya Network.

Mayor Herbert hindi tinalikuran si Kris?

Hindi naman siguro zero ang suporta ni QC Mayor Herbert Bautista kay Kris Aquino dahil baka siya ‘yung blind item ni Kris na lalaking nagpagaan ng loob niya nung kasagsagan ng isyu kay P-Noy tungkol sa massacre ng 44 miyembro ng SAF.

Hindi naman siguro napakawalang puso ng ama ng Lungsod ng Quezon na talikdan maging ang friendship nila ni Kris sa panahong kailangang-kailangan nito ng isang kaibigan. Hindi na lang siguro ipinost ni Kris ang kanyang suporta dahil baka malagay pa siya sa alanganin.

 

DIEGO LOYZAGA ENRIQUE GIL JULIA BARRETTO KAPAMILYA NETWORK KRIS AQUINO LEE MIN HO NIYA
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with