Ang yaya ang bridge?! Piolo ‘binabalikan’ si KC!

Nagkakagulo sa Instagram (IG) ni KC Concepcion nang i-post nito ang picture nila ni Moi Marcampo na mas kilalang yaya ni Piolo Pas­cual. Hindi namin alam kung bago o luma ang picture ng dalawa, pero sapat na ‘yun para matuwa ang fans nina KC at Piolo Pascual at mataranta ang fans nina KC at Paulo Avelino.

Kasamang pinost ni KC ang adobong pusit na obviously niluto ni Moi para sa kanya at ang caption ay “Hii to the one & only @hatima! :D Sala­mat ate Moi sa homecooked Adobong Pusit... Nakakataba... Ng Puso... Haha!!! Mahal kita. Pang breakfast lunch & dinner ko na to. Na-miss kita ng so much...Thank you ulit.”

Natuwa ang fans ni KC na gusto si Piolo para sa kanya at may nagre-request nang gumawa sila ng teleserye o pelikula. May humihirit namang magkabalikan na ang dala­wa at may mga kumento pa na puwede silang maging magkaibigan, kahit hindi na bumalik ang relasyon.

Ayaw patalo ang fans na si Paulo ang manok para kay KC. Ang aktor daw ang bagay sa aktres, ito ang nagpapasaya sa dalaga ngayon at wagas daw ang pagmamahal nito sa kanya. Si Paulo na lang daw ang piliin ni KC.

But of course, si KC pa rin ang pipili kung sino ang kanyang mamahalin, pero exciting abangan kung sino kina Piolo at Paulo siya mag-i-end! Paano pala kung wala sa dalawang aktor ang piliin at makatuluyan ni KC?

Show comments