^

Cristina mas gustong tutukan ang negosyo?!

RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - January 31, 2015 - 12:00am

Marami ang naghihikayat sa First Lady at councilor ng Tacloban City na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez na ito’y tumakbo sa pagka-mayor ng nasabing siyudad dahil last term na bilang mayor ng kanyang mister na si Mayor Alfred Romualdez.

Marami rin ang kumukumbinse kay Mayor Alfred na ito’y tumakbo sa mas mataas na posisyon either sa pagka-governor ng Leyte o sa pagka-senador pero ayaw pang mag-komento ang pinsang-ubo nina Sen. Bongbong Marcos at Rep. Ferdinand Martin Romualdez.

 Maganda ang palakad sa Tacloban ng mag-asawang Alfred at Kring-Kring kaya gusto ng mga Taclobanons na ipagpatuloy ni Kring-Kring ang magandang sinimulan ng kanyang mister na si Mayor Alfred.  Pero tulad ng kanyang mister, ayaw pa ring magbigay ng komento ni Kring-Kring kung ipagpapatuloy niya ang kanyang political career o haharapin na la­mang niya ang kanyang negosyo, ang Patio Victoria Restaurant and Events Place (sa may Intramuros, Manila at Tacloban) at Cristina’s Spa and Salon na matatagpuan naman sa Robinson’s Tacloban at along Romualdez St., Tacloban.

Magmula nang malipat sa Maynila ang pag-aaral ng dalawang anak nina Ma­yor Alfred at Councilor Kring-Kring na sina Sofia (14) at Diana (12) pagkatapos ng bagyong Yolanda in 2013 ay pabalik-balik ng Tacloban at Maynila ang mag-asa­wang Alfred at Kring-Kring to check on their two daughters.

ALFRED ROMUALDEZ BONGBONG MARCOS COUNCILOR KRING-KRING KRING KRING-KRING MAYOR ALFRED TACLOBAN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with