Second... ni Jennylyn, nag-iinit ang mga pangyayari

(Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2015 - 12:00am

MANILA, Philippines – Mas lalong nagiging exciting ang kuwento sa Second Chances na napapanood sa GMA 7 gabi-gabi.

Pumasok si Federico (Roi Vinzon) sa kuwarto ni Rebecca (Camille Prats) at makikita niyang duguan ang pulso ni Rebecca pero conscious naman ito at umiiyak. Ibababa niya ang cell phone, babalutin ng towel ang wrist ni Rebecca at itatakbo agad ito sa ospital. Rinig naman ni Lyra (Jennylyn Mercado) sa cell phone niya ang kaguluhan kaya nagmadali rin siyang umalis muli ng bahay para puntahan ang mag-ama. Mababaw lang ang sugat kaya okay na si Rebecca nang kausapin siya nina Federico at Lyra. Nag-sorry si Rebecca sa ginawa at nagpasalamat sa pagpunta ni Lyra.

Nakauwi na sina Bernard (Raymart Santiago) at Billy (Joshen Bernardo) sa bahay nila. Kinailangan bigla si Bernard sa restaurant at naintindihan naman ni Billy kaya pumayag siyang iwan muna siya sandali ng ama. Pag-alis ni Bernard ay tinawagan ni Billy si Lyra na nasa Vet clinic at nang malaman ni Lyra na wala sa bahay si Bernard ay pinuntahan niya si Billy.

Makikita ni Rebecca na kausap ni Federico ang Private Investigator at nang malamang may nahanap itong bata na posibleng si Daryl ay nagmada­ling mag-aya si Rebecca na puntahan nila ang bata agad-agad.

Habang nilalaro nina Billy at Lyra si Wolverine ay maikukuwento ni Billy ang tungkol sa hindi na niya pagpasok sa school, ang pagkamatay ng mommy niya at labis na kalungkutan ni Bernard dahil dito.

Ano kaya ang mararamdaman ni Lyra?

CAMILLE PRATS FEDERICO JENNYLYN MERCADO JOSHEN BERNARDO LYRA PRIVATE INVESTIGATOR RAYMART SANTIAGO REBECCA ROI VINZON SECOND CHANCES
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with