Alonzo Muhlach at Vito Quizon Goin’ Bulilit kids na

MANILA, Philippines – Like father like son ang peg ng mga cute na bulilit na sina Alonzo Muhlach at Vito Quizon, mga anak ng dating child stars na sina Niño Muhlach at Vandolph Quizon dahil kabilang na sila sa Goin’ Bulilit  family simula ngayong Linggo (Enero 18).

Bata pa lang ay nag­sisi­mula na ng maaga sa showbiz sina Alonzo at Vito at magpapakitang gilas ang dalawa sa angking galing sa pagpa­patawa sa kanilang first appearance sa big break sa longtime running hit co­medy show na Goin’ Bulilit ngayong Linggo.

Maliban kina Alonzo at Vito, bida rin ang issue tungkol sa MRT fare hike sa show na lalagyan ng kakaibang twist ng mga makukulit na bulilit. Ito ang episode na siguradong kukumpleto sa weekend mo!

Huwag palampasin ang Goin’ Bulilit matapos ang TV Patrol Weekend at LUV U pagkatapos ng ASAP 19 sa ABS-CBN ngayong Enero 18.

 

Show comments