Startalk, nagbigay ng Hollywood-themed bridal shower kay Heart

MANILA, Philippines - Isang star-studded at bonggang Hollywood-themed bridal shower ang inihanda ng Kapuso showbiz-oriented talk show na Startalk para sa actress-TV host na si Heart Evangelista. Ginanap ito noong Martes (Enero 13) sa Fernbrook Gardens.

Sa pangunguna ng TV host-eventologist Tim Yap at Tessa Prie­to-Valdes bilang hosts, dinaluhan ang bridal shower ng ilan sa mga mahal sa buhay, mga kasamahan sa trabaho kabilang ang mga GMA Executives at mga malalapit na kaibigan ni Heart tulad nina  Lovi Poe, Alessandra De Rossi, at Carla Abellana.

Hinarana rin si Heart ni Kris Lawrence sa kanyang soulful rendition ng All of Me. Samantala nagbigay din ng regalo at kani-kanilang mga mensahe sina GMA Senior Vice President for Entertainment Lilybeth G. Rasonable, Donita Rose, Iza Calzado, Kylie Padilla, at Rhian Ramos.

Naghatid naman ng video greetings ang mga malapit na kaibigan ni Heart na sina Solenn Heusaff, Jennylyn Mercado, Sarah Lahbati, Iya Villania, Camille Prats, at GMA Kapuso Foundation EVP and COO Ms. Mel Tiangco.

Bukod sa pagpunta ng kapatid ni Heart na si Camille Ongpauco, higit na naging espesyal ang gabi dahil sa sorpresang pagdating ng husband-to-be na si Senator Francis “Chiz” Escudero.

Nakatakdang ikasal sina Heart at Chiz sa Feb­ruary 15 sa Balesin Island Club, Quezon Province.

Mapapanood ang iba pang mga detalye sa naganap na bridal shower ngayong Sabado sa Startalk sa GMA.

Show comments