Sikat na male personality na lulong sa bisyo sinopla pa ang nagmamalasakit na businessman

Isa kami sa mga nanghihinayang sa sikat na male personality na ito na milyunes umano kung magpatalo sa casino. Gaano man karami ang kanyang pera ay puwede itong maglahong parang bula kapag hindi siya tumigil sa kanyang bisyo sa pagsusugal.

Marami na kaming alam na mga kila­lang perso­nalidad ang naubos ang kabuhayan dahil lamang sa pagkagumon sa sugal.

Napakahirap kumawala sa isang bisyo na ani­mo’y linta nang nakakapit sa sistema ng isang suga­rol. Anumang meron ngayon ang nasabing kilalang male personality ay maglalaho rin na parang bula kung magpapatuloy ang kanyang bisyo.

Minsan ay kinausap umano ang male persona­lity ng isang top businessman para itigil na nito ang kanyang bisyo sa pagsusugal pero sinabihan lamang niya ang concerned at kilalang businessman na hindi naman daw niya (businessman) pera ang kanyang ipinangsusu­gal. Sa halip na magpasala­mat sa pag­mamalasakit ng kilalang business­man, sinopla pa niya ito kaya never nang kakausapin muli ng businessman ang sikat na male personality.

Nakakalungkot lamang isipin na baka sa pusali rin pulutin balang araw ang male personality kung hindi ito magbabago at hindi hihinto sa kanyang pagiging sugarol.

Jason hindi ipagpapalit si Vicki sa dalawang ‘asawa’

Malabong ma-link si Jason Abalos sa kanyang “two wives” na sina Erich Gonzales at Kaye Abad dahil pare-pareho silang masasaya sa kanilang res­pective love life. Si Jason ay may Vicki Rushton, si Erich sa kanyang non-showbiz businessman boyfriend at si Kaye naman ay may Paul Jake Castillo.

First time nagkasama-sama sa isang serye sina Jason, Erich, at Kaye na siyang mga pangunahing bituin ng top-rating teleserye na Two Wives na local adaptation ng hit Koreanovela of the same title.

Kapag nagtapos na sa ere ang Two Wives, tiyak na in-demand na pare-pareho sina Jason, Erick, at Kaye sa iba pang TV projects.

Show comments