Pinakamalalaking Tapatan noong 2014, ito-throwback ni Tunying

MANILA, Philippines – Babalikan ni Anthony Taberna ang mga ekslusibong istorya na itinampok sa Tapatan ni Tunying na lumikha ng ingay sa taong 2014 sa espesyal nitong episode na Ultimate Throwback ni Tunying na mapapanood ngayon Huwebes (Enero 1).

Sino ang makakalimot sa kauna-unahang pagsiwalat ni James Yap na may panganay na siyang anak bago pa man siya ikasal sa Queen of All Media na si Kris Aquino? Lumikha rin ingay ang diretsahang pag-usisa ni Tunying at pagsagot ni Piolo Pascual sa hindi matapus-tapos na pagkuwestiyon sa kanyang pagkalalaki. Ganundin ang pagtatanggol ni Angelica Pa­nganiban sa sarili at sa nobyong si John Lloyd Cruz sa mga alegasyon na sila ay mahilig maglasing.

Bukod sa mga TV personalities, ilang mga pulitiko rin ang sumalang sa hot seat ng Tapatan ni Tunying upang matapang na harapin ang mga intrigang ibinabato sa kanila.

Isa na riyan si Vice President Jejomar Binay na sinabing hindi malabong ang Liberal Party ang nasa likod ng diumano’y paninira sa kanya dahil sa plano niyang kumandidato bilang pangulo sa 2016. Maging ang mga anak niyang sina Senador Nancy Binay at Makati Mayor Junjun Binay ay hindi rin inatrasan ang diretsahang mga tanong ni Tunying.

Ang mga ito at ilan pang high-profile interviews ng Tapatan ni Tunying noong 2014 ang pasasabugin ng programa sa unang araw ng bagong taon (Enero 1), 4:30 p.m., sa Kapamilya Gold ng ABS-CBN.

Show comments