Gov. Vi hindi nakatiis kina Sen. Bong at Jinggoy
Gov. Vi hindi nakatiis kina Sen. Bong at Jinggoy
THAT’S ENTERTAINMENT - Kuya Germs (Pilipino Star Ngayon) - December 30, 2014 - 12:00am

Nakakatuwa namang dinalaw ni Gov. Vilma Santos sa piitan sina Sen. Jinggoy Estrada at Bong Revilla. Alam niyang makatutulong ang ginawa niya para mabawasan ang lungkot na nadarama ng dala­wa niyang kasamahan sa showbiz at ma­ging sa pulitika. Biruin mo, sa rami ng kanyang gina­gawa ngayon, nagawa pa niyang maibahagi ang Ka­pas­kuhan sa dalawa. Paano naman sila hindi ma­tutuwa? Mabuhay ka, gobernadora!

KC at Paulo hindi pa rin pinaniniwalaan ang pagde-deny

Nakakatuwa talaga itong si­na KC Concepcion at Paulo Ave­li­no. Kahit ayaw maniwala ng lahat na friendship lang ang sweetness at closeness nila, consistent pa rin ang dalawa sa pag-deny ng kanilang totoong relasyon. ‘Yun nga lamang, consistent din sila sa pagiging sweet and close. Ano nga ba ang real score sa kanilang dalawa? May pumipigil ba para gawin nilang real thing ang kanilang relasyon?

Ryzza Mae walang malakas na nakalaban

Congratulations kay Ryzza Mae Dizon sa pagkapanalo niya ng Best Child Performer para sa My Big Bossing sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) Gabi ng Parangal. Kung sabagay, parang wala naman siyang kalaban dahil napakagaling talaga ng kanyang pag-aarte. Hindi kasing-tindi at kasing-bigat ang role ng ibang mga bata na nakasama sa MMFF kaya lamang talaga siya.

 

BEST CHILD PERFORMER BONG REVILLA JINGGOY ESTRADA METRO MANILA FILM FESTIVAL MY BIG BOSSING NAKAKATUWA PAULO AVE SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with