Martin del Rosario nganga sa GMA-7

SEEN: Ang block screening ng Bonifacio: Ang Unang Pangulo sa Shangri-La Cineplex noong Lunes ng gabi. Dumalo sa block screening sina Robin Padilla, Vina Morales at Shaina Magdayao.

SCENE: Nadagdagan ang mga nanood ng English Only, Please nang humakot ito ng mga parangal sa awards night ng Metro Manila Film Festival 2014.

Seen: Natakot ang mga bata sa Taktak, ang second episode ng My Big Bossing. Tinakpan ng mga bata ng mga kamay ang kanilang mga mata habang pinapanood ang Taktak.

Scene: Bidang-bida si John Arcilla sa bioflick ni General Antonio Luna na ipalalabas sa mga sinehan sa 2015. Ngayon lamang naranasan ni John na magbida sa pelikula.

Seen:  Matagal nang pumirma ng kontrata si Martin del Rosario sa GMA 7 pero hindi pa siya nabibigyan ng regular teleserye. Ang Rhodora X ang una at huling primetime show ni Martin sa Kapuso Network.

Scene: Pinipintasan ang over the top acting ni Lotlot de Leon sa Kubot: The Aswang Chronicles 2 pero wala nang magagawa ang haters dahil hindi na nila mababawi ang kanyang best supporting actress trophy mula sa MMFF 2014.

 

Show comments