Angel kabadong makaeksena si Ate Vi
SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - December 27, 2014 - 12:00am

Isang pelikula ang nakatakdang gawin ni Angel Locsin kasama si Governor Vilma Santos sa 2015. Ngayon pa lamang daw ay kinakabahan na si Angel para sa bagong proyekto. “’Yung isang pelikula ‘yung pang-Mother’s Day sobrang excited ako. Nag-usap na kami ni Inang (Olivia Lamasan) sa mga characters. Nagulat nga siya eh kasi buong-buo ko na daw. Ninenerbiyos na ako, paano pa kaya, makakaharap ko na ang isang Vilma Santos, tapos nanay pa ng boyfriend (Luis Manzano) ko. Grabe ‘yung kaba talaga,” nakangiting pahayag ni Angel.

Umaasa rin daw ang dalaga na makakasama rin ang Star for All Seasons sa pelikulang Darna na kanyang gagawin. “Umaasa ako kasi nakita ko ‘yung interview ni Tita, na if ever nga raw na magawa namin ‘yung Darna, willing siya mag-cameo. Napakalaking bagay ‘yun, kasi siya naman talaga ang Darna. Tapos makakasama ko pa siya sa Darna. Siguro napaka-surreal ng pakiramdam,” paliwanag ni Angel.

Samantala, isa ang aktres sa mga abala sa pagtulong sa mga kababayan natin sa tuwing nasasalanta ng mga kalamidad. Ngayon ay mayroon daw nais na mangyari ang dalaga upang maagapan ang mga sakuna sa bansa. “Pinagdarasal ko na mas makaisip tayo ng ibang solusyon na hindi lang relief ‘pag may nangyaring sakuna. Ano ‘yung long term natin na mapi-prevent talaga natin na lagi ba nilang masisira ‘yung mga bahay ng kababayan natin. Hindi ko alam baka may mas matalino pa sa akin na makaisip ng paraan para ma-avoid na ang mga disasters,” pagtatapos ng aktres.

Kaya maganda ang katawan, piolo umiiwas sa lugar na may naninigarilyo at hindi rin basta-basta kumakain

Ibinahagi ni Piolo Pascual kung paano niya napananatili ang magandang pangangatawan at maayos na kalusugan. Bukod sa pagiging ama kay Iñigo ay abala rin ang aktor sa maraming bagay. “Tulog talaga. It really helps, and take vitamins. I guess your outlook in life also helps a lot. You feel light. Kapag may problema ka, it shows in your aura, in your skin, in your attitude. But if you’re always positive, it keeps you young,” pahayag ni Piolo.

Sinisikap daw ng aktor na maging maayos ang kalusugan para magampanan ang lahat ng tungkulin niya sa buhay. “My business is myself. I am my own product. So importante na pangalagaan ko ‘yung pangangatawan ko, ‘yung lifestyle ko. I make sure na nagpapahinga ako in between mga eksena. Sa taping, natutulog ako. I try as much as possible, kasi kapag ‘yung pinupuntahan mo, maraming naninigarilyo, umiiwas ako sa gano’n. I am not staying up late. Kasi parang ako, I don’t get sick as much anymore because I am aware of what I have to eat, what I have to take and what I have to avoid,” pagbabahagi pa niya. Reports from JAMES C. CANTOS  

AKO ALL SEASONS ANGEL LOCSIN DARNA GOVERNOR VILMA SANTOS LUIS MANZANO NGAYON YUNG
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with