Mga artistang na-late sa parade nawindang nang magsimula kahit wala sila Marian nagmulta na lang, inuna ang kasal kaysa sa Parade of Stars
PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio (Pilipino Star Ngayon) - December 25, 2014 - 12:00am

PIK: Dinagsa ng napakaraming tao ang parada ng 40th Metro Manila Film Festival (MMFF) nu’ng nakaraang Martes ng hapon.

Eksaktong 1:30 ng hapon ay sinimulan ang parada kaya nataranta ang ibang artista na late ng dating dahil ang buong akala siguro nila hindi ito magsisimula on time.

Ilan sa mga na-late nang dating ay si Kris Aquino na nilakad ang EDSA patungong kanto ng Macapagal Avenue, para umabot lang sa kanyang float.

Si Vice Ganda naman ay nakisakay sa back-up ng MMDA sa hangad na malagpasan nito ang traffic at makaabot sa float ng Praybeyt Benjamin.

Nasira pa ang generator ng float ng Praybeyt Benjamin kaya nakikabit na lang sila sa generator ng float ng Feng Shui.

Si Dingdong Dantes ng pelikulang Kubot: The Aswang Chronicles ay late rin ng dating dahil nag-fit pa pala siya ng tuxedo niya na isusuot sa nalalapit na kasal nila ni Marian Rivera.

Hindi na sumali si Marian sa float ng My Big Bossing dahil abala na ito sa paghahanda sa kanyang kasal.

Doon pa lang sa parada ay ramdam na namin kung alin ang mangunguna sa box-office pero puwede ring mabago pagkatapos ng awards night.

PAK: Bukod sa nalalapit na kasal ay excited din si Marian Rivera sa pagdating ng kanyang ama mula Espanya dahil makakasama raw niya ito hanggang sa Bagong Taon.

Iyun na lang daw muna ang pagtutuunan nila ng pansin pagkatapos ng kasal, at saka na nila aayusin ang kanilang honeymoon.

BOOM: Balak pala ng magkasintahang Jimboy Salazar at John Danan na kuning ninong si Kuya Germs sa kanilang kasal sa March 16, 2015.

Kung papayag daw si Kuya Germs, gusto raw nilang maging bahagi ito sa memorable na araw nilang dalawa.

Pati nga si Mahal, ang dating girlfriend ni Jimboy ay gusto raw nilang imbitahin ito, pero hindi lang daw niya alam kung dadalo ito dahil hindi raw maganda ang kanilang paghihiwalay noon.

ASWANG CHRONICLES BAGONG TAON FENG SHUI JIMBOY SALAZAR JOHN DANAN KRIS AQUINO KUYA GERMS MACAPAGAL AVENUE MARIAN RIVERA PRAYBEYT BENJAMIN
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with