Jimboy ni Mahal noon gusting mag-ala diwata sa kasal nila ng bf

PIK: Hindi kataka-takang ipinagmamalaki nang husto ni Robin Padilla ang pelikula niyang Bonifacio: Ang Unang Pangulo dahil maganda naman pala talaga ito. Masaya niyang ikinuwento sa premiere night nu’ng nakaraang Linggo na ginanap sa SM Megamall na binigyan ito ng Grade A ng Cinema Evaluation Board (CEB).

Maganda ang kinalabasan ng pelikula at kahit hindi naman na kailangan ang mga eksena ni Daniel Padilla kasama sina Eddie Garcia, Jasmine Curtis, at RJ Padilla, obvious na isiningit ito para may hatak naman sa fans.

Pero kahit wala na iyun, maitatayo pa ring maganda ang pelikulang ito na dinirek ni Enzo Williams.

PAK: Marami ang na-curious sa pasabog ng dating That’s Entertainment talent na si Jimboy Salazar na magpapakasal na raw sila ng dyowang bading nito na si John Danan.

Balak daw nilang magpakasal sa March 16, 2015 at type nila na beach wedding na maaring gawin sa isang beach sa La Union o kaya sa Puerto Galera.

Aware naman silang walang same sex marriage dito, kaya parang seremonya lamang ito na ang gusto raw nilang dadalo ay magsusuot ng puting damit.

Pero bongga ang type ni Jimboy na isusuot na mala-diwata raw ang dating.

Hiningan ng Startalk ng reaksyon ang dating karelasyon ni Jimboy na si Mahal, natawa na lang ang bulinggit na komedyante na parang hindi na nagtaka. Sabi lang niya: “Bahala sila. Magkulutan na lang sila!”

BOOM: Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin daw kay Jennylyn Mercado ang kumalat na isyung nag-date sila ni Cong. Ronald Singson sa Boracay.

Sabi niya sa preview ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry niyang English Only, Please: “Hindi ko pa po siya nakikita.

“Even hi hello, hindi pa talaga. Saka paano nangyari yun na napunta pa ako ng Boracay na wala sa oras? Wala talaga akong oras na pumunta pa ng Boracay.

Paano ako makaalis? Grabe naman! Pamilya ko nga hindi ko maasikaso eh.”

Feeling daw niya kamukha lang daw niya iyung nakitang ka-date ni Cong. Singson.

Pero inamin naman ni Jennyyln na meron siyang nakaka-date na non-showbiz guy, pero tapos na raw ‘yun. Ayaw na niyang sabihin kung sino, dahil hindi na raw nasundan ‘yun.

“Hindi ko siya pinagtutuunan ng pansin eh. Kasi, para sa akin career pa rin at pamilya pa rin eh. Sa ngayon, wala pa talaga,” pakli nito.

Show comments