Starstruck Champion magpapagalingan sa finale ng show ni Tom

MANILA, Philippines - Ngayong Lunes (Disyembre 22), muling magbabalik at maglalaro ang mga Starstruck Champions at Avengers para sa season finale episode ng Kapuso gameshow na Don’t Lose The Money kasama ang Kapuso prime leading man na si Tom Rodriguez bilang host.

Para sa Red Christmas Balls team, handa nang dumaan sa mga challenges sina Mike Tan, Jan Manual, at Ryza Cenon. Hindi naman magpapatalo ang Blue Berry Cool team na kinabibilangan nina Rocco Nacino, Dion Ignacio, at Rich Asuncion.

Tatlong rounds ang kanilang haharapin at ang team na may pinakamaraming nakuhang pera ang magla­laro ng jackpot round na Jumpty Dumpty.

Dahil ngayong Pasko ay panahon ng pagbibigayan, napagkasunduan ng dalawang teams na ang mananalo ay magdo-donate sa White Cross Orphanage.

Hindi dapat palampasin ang season finale episode ng Don’t Lose The Money ngayong Lunes bago ang The Ryzza Mae Show sa GMA.

 

Show comments