^

PSN Showbiz

Kris takot mag-abono kina Coco at Direk Chito

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista - Pilipino Star Ngayon

Sa presscon ng Feng Shui 2, inamin ni Kris Aquino na talagang stage mother siya sa anak na si Bimby Aquino Yap.

Okey din sa aktres kung mag-number one ang The Amazing Praybeyt  Benjamin 2 at maungusan siya ng anak pagdating sa takilya.

Dasal ni Kris na ma-doble ang kita ng movie nilang Feng Shui dahil tatlo silang nagsosyo rito nina Coco Martin at Direk Chito Roño. Ayaw daw niyang mag-abono.

Niño ayaw magpaka-stage father

Taliwas naman kay Kris ang naging pahayag ni Niño Muhlach na never siyang magiging stage father sa anak na si Alonzo na gumagawa na rin ngayon ng ingay.

Kaya nga ipinamahala ito ng aktor kay Aster Amoyo para mag-handle sa career ng anak at makaiwas sa sasabihin ng mga tao bilang stage father.

Inamin ni Niño na pareho sila ng anak pagda­ting sa trabaho as in wala raw din tantrum ang anak.

Kasama si Niño at Alonzo sa pelikulang My Big Bossing na inaasahan ding tatabo sa ta­kilya ngayong Kapaskuhan.

Gangster lolo, aariba na

Aariba na ang Gangster Lolo nga­yong Disyembre 17 at inaasahang ma­gugustuhan ito ng mga manonood dahil punumpuno ito ng katatawanan at aksyon.

Panoorin ang pagiging kuwela ng mga gangster citizen na sina Leo Martinez bilang si Asiong Salonpas, Bembol Roco, Rez Cortez, Soxy Topacio, at Pen Medina na kahit may mga edad na ay maaasahan pa rin sa aksyon.

Tiyak na kapupulutan ng aral ang Gangster Lolo tungkol sa kahalagahan ng pakikipagkapwa-tao kaysa sa kinang ng salapi.

Prodyus ito ng Comic Raven Ventures Productions sa direksyon ni William Mayo.

vuukle comment

ALONZO

AMAZING PRAYBEYT

ASIONG SALONPAS

ASTER AMOYO

BEMBOL ROCO

BIMBY AQUINO YAP

FENG SHUI

GANGSTER LOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with