Andi effective ang pagpapamisteryoso

Napaka-effective ng ginagawa ni Andi Eigenmann na pagdi-deny sa mga lalaking nakikitang kasama niya. Patuloy kasi siyang napag-uusapan.

Wala namang obligasyon ang anak ni Jaclyn Jose na kumpirmahin na may relasyon siya sa mga lalaking nakikitang kasama niya. Nakatutulong ‘yung pagiging misteryosa niya. ‘Yun nga lang, napagbibintangan siyang playgirl. Pero kaya naman itong paglaruan ni Andi, ‘di ba?

Mga artista nagmistulang fans sa mga international tennis superstar

Tingnan mo nga naman, nagmimistulang fans ang marami nating artista na gustong magpakuha ng picture kasama ang mga international tennis superstar na naglaro sa bansa. Ito ngang kaibigan kong si Veronica Samio, kung magagawa lamang niya at hindi siya bagong opera ay makikipagsiksikan siya para makalapit lang kina Maria Sharapova at Serena Williams. Kaya nagkasya na lamang siya na makita ang mga tennis idol niya sa TV. Masuwerte naman ang mga nakapanood ng live sa kanila.

Show comments