First time sa buong buhay Lyca nakaranas ng magarbong birthday party
RATED A - Aster Amoyo (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2014 - 12:00am

Ibang-iba na ang buhay ngayon ng The Voice Kids grand champion na si Lyca Gairanod who turned 10 last November 21 at nagkaroon ng kanyang kauna-unahang engrandeng birthday party na ginanap sa clubhouse ng  Camella Tierra Nevada, ang subdi­vi­sion na nilipatan ng child singing champ and her family bilang bahagi ng kan­yang premyo­.

Isinantabi na ni Lyca at ng kanyang ina ang pamumulot ng basura para ma­katulong at maitawid ang araw-araw na panganga­ilangan ng kanilang pamilya.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaranas si Lyca ng isang magarang birthday party na dinaluhan ng kanyang mga kaibigan sa dati nilang lugar sa Tanza, Cavite ganoon din ng mga bagong niyang kaibigan sa kanilang nilipatang subdivision.

Themed party ang naganap na may magagandang dekorasyon at balloons at maraming pagkain, dalawang beses siyang nagbihis – isang red dress na may pink tiara habang ang isa ay kulay blue na inspired kay Queen Elsa ng  Frozen movie.

Kapag nagtuluy-tuloy ang magagandang bles­sings sa buhay ni Lyca, hindi kami magtataka kung balang araw ay sa mas malaking bahay siya sa Metro Manila lumipat kasama ang kanyang pamilya.

Si Lyca ay tinaguriang Little Superstar.

Nikki Gil maligaya na para kina Billy at Coleen

Since non-showbiz ang bagong boyfriend ng singer-actress na si Nikki Gil, ayaw niyang magbigay ng detalye tungkol dito para mapangalagaan ang pagiging private person ng guy na kung hindi kami nagkakamali ay isang young businessman.

Hindi niya ikinaila na sobra siyang nasaktan sa huling relasyon niya pero nag-heal na raw ang mga sugat sa kanyang puso at muli niya itong binuksan para sa bagong pag-ibig.

Ngayon daw ay mas stronger na ang puso niya.

Although mahigit isang taon na silang hiwalay ni Billy, hindi pa rin niya masabi kung muli niyang magiging kaibigan ang dating nobyo na may bagong pag-ibig na rin ngayon, ang kasamahan nito (Billy) sa It’s Showtime na si Coleen Garcia.

“Panahon lamang siguro ang makapagsasabi,” matipid niyang sagot.

“What’s important ay pare-pareho na kaming naka­pag-move on at masaya sa aming respective lives,” dugtong pa niya.

Masayang-masaya ang singer-actress dahil for the very first time ay katrabaho niya ang Bossing ng Bayan na si Vic Sotto at ang child superstar na si Ryzza Mae at first time din niyang magkaroon ng movie na kalahok sa Metro Manila Film Festival.

CAMELLA TIERRA NEVADA COLEEN GARCIA LITTLE SUPERSTAR LYCA LYCA GAIRANOD METRO MANILA METRO MANILA FILM FESTIVAL NIKKI GIL SHY
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with