Kasal ‘di pagkakakitaan perang regalo kina Marian at Dingdong, diretso sa charity!

PIK: Sa susunod na linggo ay magli-leave na si Ma­rian Rivera sa kanyang dance show na Marian dahil kailangan na niyang mag-focus sa paghahanda sa nalalapit na kasal nila ni Dingdong Dantes.

Saad ng GMA Primetime Queen: “Hiniling ko talaga na sana matapos nang maaga ‘yung Marian. Sabi nga ng GMA, tapusin ko na hanggang December. So, tinapos ko na nga ng December. Kaya nga nag-advance taping na ako para pagdating talaga ng December magpapahinga na talaga ako.”

Pero tuloy pa rin daw ang promo niya sa My Big Bossing dahil kailangan naman daw talaga para sa entry nila ni Vic Sotto at Ryza Mae Dizon sa Metro Manila Film Festival.

PAK: Hindi muna sinasabi ng final ni Dingdong Dantes, pero may pinaglalaanan pala ang mga regalong ibibigay sa kanila sa kasal nila ni Marian.

Ang balita, ang lahat daw na perang ireregalo sa kanila ng mga ninong at ninang ay ibibigay daw nila sa foundation, na malamang isa na rito ang Yes Pinoy Foundation ng aktor. Pero hintayin na lang daw ang announcement.

“Pinag-uusapan pa namin pero mari-reveal ‘yun paglabas ng invitation which is very early December. Very soon,” pahayag ni Dingdong.

BOOM: Medyo emotional si Aljur Abrenica nang nakausap ng Startalk sa birthday concert ni Michael Pangilinan sa Music Museum kamakalawa ng gabi.

Nilinaw ni Aljur na merong pag-uusap daw sa GMA 7 at umaasa siyang maayos na ang lahat.

 Inamin na rin ni Aljur na meron daw talagang mga taong nasa paligid niya na naging bad influen­ce sa kanya, kaya dinispatsa na rin daw niya.

 

Show comments